Love

love

Celebrations

List

Parenting

News

Lifestyle

Nawindang Ang Netizens Sa Revelation Ni Atasha Muhlach, P100 Lang Ang Baon Niya Noon Sa School!

Walang komento


 Ikinagulat ng maraming mga netizens at ng Eat Bulaga host na si Vic Sotto ang isiniwalat sa kanila ng kanilang co-host na si Atasha Mulach patungkol sa kung magkano lamang ang natatanggap nitong daily allowance para sa pagpasok nito sa paaralan.


Sa segment ng “Peraphy” sa Eat Bulaga, nagbigay ng payo sa audience ang financial advisor na si Chinkee Tan, na isa sa mga guest ng noontime show, kung paano sila makakatipid.


“Kailangan, number one, huwag kang magdadala ng pera na higit sa budget mo. Kung ang budget mo ay Php300 lang… ‘yan ang ilagay mo sa wallet mo,” pahayag ng financial advisor.


Pagkatapos ng payo ni Chinkee Tan, tinanong ni Vic Sotto si Atasha Muhlach tungkol sa kanyang daily allowance bago siya naging artista.


Mabilis na ibinunyag ni Atasha Muhlach na P100 lang ang natatanggap niya sa kabila ng pagiging mayaman ng kanilang pamilya.


Halos hindi naman makapaniwala sina Vic Sotto sa isiniwalat na ito ni Atasha Muhlach. Dahil inakala nilang katulad ng ibang mga studyante na nagmula sa mayamang pamilya ay may malaking baon din si Atasha Muhlach.


Kaagad naman itong pinuri ng maraming mga netizens dahil sa pagiging disiplinado nito at sa pagsunod sa gusto ng mga magulang.


Hindi rin umano magarbo ang mga ito na dahil sa mga artista at mayaman naman ang mga magulang ay nagawawaldas na ng pera sa hindi naman makabuluhang bagay.


Gayunpaman, hindi pa rin naiiwasan na may mga netizens pa rin na naghihinalang hindi totoo ang sinabi ni Atasha Muhlach at gumagawa lamang umano ito ng kwento para mapag-uusapan.


Kung ikaw, ang tatanungin naniniwala ka bang 100 pesos lamang ang baon ng isang Atasha Muhlach sa skwela?




Daniel Padilla, Nagbirthday Kasama Ang Mga Aso at Pusa

Walang komento


 Malayo sa kinasanayan na bonggang birthday celebration ang naging pagdiriwang ng aktor na si Daniel Padilla sa kanyang kaarawan nitong April 26, 2024.


Si Daniel Padilla ay nagdiwang ng kanyang ika-29 na kaarawan kasama ang mga aso at pusa sa isang shelter sa Barangay Arenas Arayat, Pampanga.


Sa kabila ng kasimplehan ng kanyang birthday celebration ay inilahad naman ni Daniel Padilla ang kanyang kasiyahan dahil ang kanilang ginawa ay meaningful.


Naroon naman at nakasuporta sa actor ang kanyang mga fans at supporters at ilang mga kaibigan. Naroon din ang kanyang kamag-anak kagaya na lamang ng kanyang pinsan na si Jordan Lim.


Labis ding nasisiyahan si Jordan Lim sa ginawa nila dahil napakacute ng mga pusa at aso. Nagpapasalamat din siya kay Daniel Padilla sa suporta ng aktor sa kanilang cause.


Nagtulong-tulong naman sila sa pagpapaligo at pagpapakain sa mga aso at pusa na nangangailangan ng aruga.


Nasa mahigit 50 ka puso at malapit sa isang daan na aso ang nasa shelter na pinuntahan nina Daniel Padilla at Jordan Lim.


Karamihan sa mga aso ay mga inabandona ng kani-kanilang mga may-ari.


Bukod sa pagpapaligo, nagdala rin si Daniel Padilla ng gifts para sa mga ito, may mga cat at dog foods at may mga treats pa.


Bukod pa rito, pinagawan din ni Daniel Padilla ng bubong at cages ang mga puso.


Halos hindi naman makapaniwala ang pet rescuer at may-ari ng shelter na si Gemma na sila ang napili ni Daniel Padilla dahil wala naman umano silang donor.


Bukod sa mga pagkain may kasama ring vet team si Daniel Padilla para mag neuter sa mga aso at pusa.


Umani naman ito ng papuri mula sa mga netizens, may mga nagsasabing tila nagmature na si Daniel Padilla dahil ginawa niyang makabuluhan ang pagdiriwang niya sa kanyang kaarawan.



TV Host -Aktres Tanggal Na Sa Show!

Walang komento


 Hindi na mapapanood sa show na TikToClock ang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa na si Rabiya Mateo sa mga pioneer host ng morning variety show na TikToClock na unang umire noong July 25, 2022 sa GMA7 Kapuso Network.


Marami naman sa mga tagasubaybay ng nasabing programa ang labis na nanghihinayang sa biglaang pag-alis niya sa TikToClock, dahil palagi na umano nilang itong inaabangan sa nasabing show.


Samantala, upang makaiwas sa mga isyu at mga haka-haka patungkol sa kanyang biglaang pag-alis sa show ay minabuti na ni Rabiya Mateo na magbigay ng pahayag ng matanong sa kanya kung ano ang totoong dahilan ng biglaang pag-alis niya sa show na naging malaking bahagi ng kanyang growth bilang isang host.


Ayon kay Rabiya Mateo, nagtapos na umano ang kanyang kontrata sa TikToClock. Bagama't hindi na nairenew ang kanyang kontrata ay malaki naman umano ang kanyang pasasalamat sa naturang show dahil ito ang humubog ng kanyang hosting skills.


Hiling naman ni Rabiya Mateo na sana mabigyan naman siya ng pagkakataon na mas mahubog pa ang kanyang acting skills.


Ngayong mawawala na siya sa TikToClock at malapit na rin ang pagtatapos ng teleseryeng Makiling, umaasa si Rabiya Mateo na mabigyan siya kaagad ng panibagong proyekto na hahamon sa kanyang kakayahan bilang isang aktres.


Samantala, nito lamang April 26, 2024 ay may taping si Rabiya Mateo para sa isang episode ng Wish Ko Lang.



Miel Pangilinan Nagsalita Na Kung Sino Ang Tunay Niyang Ama!

Walang komento


 Kaagad na sinagot ni Miel Pangilinan ang komento ng isang netizens na nagsasabing ang kanyang tunay na ama ay walang iba kundi si Rico Blanco.


Pumalag ang anak nina Sharon Cuneta at dating senador na si Kiko Pangilinan sa isang komento ng netizen sa ibinahaging post sa TikTok.


Makikita sa ibinahaging post ni Miel Pangilinan sa TikTok ang larawan ng kanyang  mga magulang kalakip ang isang caption sa kung gaano niya naa-appreciate ang mga ito sa mga bagay na ginawa sa kanya.


"Thank u for creating me. I’m forever thankful for the support I get from the both of you, I am who I am because of you. I love you both forever and ever," caption ni Miel Pangilinan sa kanyang post.


Bagama't touching at may positive vibes naman ang post ni Miel Pangilinan, may isang netizen na nag-iwan ng isang unwanted comment patungkol sa pagkatao ni Miel.


Ayon sa komento nito, si Miel Pangilinan ay anak ni Rico Blanco.


Kaagad naman itong sinagot ni Miel Pangilinan na mayroong kunting humor pero tumpak. Sinabi ni Miel na hindi daw siya anak ni Rico at si Rico Blanco mismo ang nagpahayag nito.


"Hindi daw sabi niya," sagot ni Miel Pangilinan.


Si Sharon Cuneta, kilala rin bilang The Megastar, ay isang sikat na Filipina actress, singer, host at endorser. Siya ang asawa ni Sen Kiko Pangilinan at ina ng aktres at negosyanteng si KC Concepcion, na ang ama ay ang aktor na si Gabby Concepcion. 


Nauna nang inamin sa publiko ni Miel Pangilinan na sa isang miyembro ng LGBTQ+ community. Ibinunyag niya ito sa isang post sa social media na inilathala niya sa tamang oras para sa Pride Month.



Dominic Roque Tuloy Ang Panunuyo Kay Bea Alonzo? May Pa Flowers Pa Si Papa Dom!

Walang komento


 Ikinatuwa ng maraming mga netizens ang ibinahaging larawan ni Dominic Roque kung saan ibinahagi niya ang summary ng kanyang April. Makikita sa kanyang mga ibinahaging mga larawan ang mga larawan niya kasama ang kanyang mga kasamahan sa trabaho, mga kaibigan at pamilya.


Ang nakakuha naman sa atensyon ng maraming mga netizens ay ang hawak-hawak ni Dominic Roque na red and white roses sa huling bahagi ng kanyang video.


Kaagad naman itong umani ng mga komento at reaksyon sa mga netizens, sa kung ano ang ibig sabihin ng pa-flowers ni Dominic Roque at kung sino ang gusto niyang bigyan nito.


May mga naghinala na baka nais ni Dominic Roque na ligawang muli si Bea Alonzo. Naniniwala pa rin ang maraming mga netizens na patuloy pa ring sinusuyo ni Dominic Roque si Bea Alonzo at hindi parin siya sumusuko kahit pa pinagbubura na ni Bea Alonzo ang kanilang mga larawan na magkasama.


Hanggang ngayon ay naging palaisipan pa rin kung ano ang totoong estado ng relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Matatandaan na unang naiulat ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque noong huling bahagi ng January 2023 na kaagad naman nilang kinumpirma kalaunan.


Subalit, kahit nagkahiwalay na ang dalawa may mga nagsasabi na nakikita pa rin nila ang aktor sa bahay ni Bea Alonzo at nakikitulog pa rin ito doon minsan. Bukod pa rito, namataan din sa isang larawan na ibinahagi ni Dominic Roque na si Bea Alonzo pa rin ang nakalagay na wallpaper sa cellphone nito.


Dahil dito marami ang naghinalang nagkabalikan na ang dalawa. Gayunpaman, ikinalito ng maraming mga netizens nang biglang pagbuburahin ni Bea Alonzo ang mga larawan nilang magkasama ni Dominic Roque at maging ang mga travels nila together.


Sa Wakas! Lindsay De Vera Nagsalita Na Sa Publiko Ukol Sa Anak Nila Ni Dingdong Dantes!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang isang blind item na sinasabing nagkaroon ng anak si Dingdong Dantes noon sa isang babae na nakasama niya sa trabaho.


Bagama't wala namang sinabi na pangalan marami ang naghinala na ito ay walang iba kundi si Lindsay De Vera.


Dahil sa pagiging viral ng usaping ito, Lindsay nagbigay na ng pahayag.


Muling binuhay ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang matagal nang usap-usapan patungkol sa pagsasama noon nina Dingdong Dantes at Lindsay De Vera.


Kung matatandaan, noon pa man ay nagkaroon na ng isyu at mga naglabasang mga haka-haka patungkol sa balitang may nabuntis na artista si Dingdong Dantes na nakasama niya sa isang pelikula.


Kapansin-pansin din kasi ang biglaang pananahimik ni Lindsay at tila pagtatago sa publiko kaya naman lumabas ang mga espekulasyon na nagbubuntis na ito.


Ayon sa mga haka-haka, pinili ni Lindsay na iwan ang showbiz para makaiwas sa mga pambabatikos ng mga bashers at para na rin mapangalagaan ang kanyang anak.


Samantala, nag-ugat naman ang muling pagbubukas ng usapin patungkol sa nakaraan nina Dingdong Dantes at Lindsay De Vera, nang magbahagi ng isang larawan si Lindsay kung saan may karga-karga itong bata.


Bagama't kaagad din nitong binura ang nasabing larawan tila nahuli na ang lahat dahil marami na ang nakakuha ng mga screenshot nito na kaagad namang ipinakalat sa iba'-ibang social media platforms.


Marami ang nagsasabing tila may pagkakahawig kay Dingdong Dantes ang batang ito. Marami rin sa mga netizens ang nag-tag kay Marian Rivera sa nasabing larawan at tinatanong ang actres kung may alam ba ito sa naging past relationship nina Lindsay at Dingdong.


Kaagad namang naglabas ng pahayag ang manager ni Marian Rivera kung saan inilahad nitong totoong may alam si Marian Rivera sa naging relasyon noon ni Dingdong Dantes.


Sa kabilang banda, humihiling naman umano si Lindsay sa mga netizens na sana ay i-respeto ng mga ito ang kanilang privacy ng kanyang anak at pabayaan na lamang sila dahil hindi naman siya nanggugulo.




Vice Ganda Inasar Si Kim Chui Sa Showtime Live Matapos ang Pagsasama sa Kasal Ni Angeline Quinto

Walang komento


 Muling inasar ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang actress-TV host na si Kim Chiu matapos itong dumalo sa kasal nina Angeline Quinto kahapon.


Kaagad naman itong kinakiligan ng maraming mga netizens at hiniling nila na maging sina Paulo Avelino at Kim Chiu na sa totoong buhay.


Ayon pa sa ilang mga netizens na sabay na dumating sina Paulo Avelino at Kim Chiu, sabay din umanong umalis ang dalawa kaya naman marami ang nagsasabing totoong magjowa na ang galawan nilang dalawa.


Hindi naman ito pinapalampas palagi ni Vice Ganda dahil mayroon kaagad itong pang-aasar at tila sadya nitong ibinubuking ang estado ng dalawa.


Marami naman ang umayuda sa napipintong relasyon ng dalawa dahil makikita ang napakalakas nilang chemistry na dalawa at tila napapasaya naman ni Paulo Avelino si Kim Chiu.


Naglevel up din ang mga kahilingan ng maraming mga netizens dahil kung noon ay hinihiling lamang nila na maging mag boyfriend-girlfriend sina Paulo Avelino at Kim Chiu ngayon ay gusto na nilang makitang ikinakasal ang dalawa.


Sa ngayon ay hindi pa naman nililinaw nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang totoong estado ng kanilang relasyon subalit kapansin-pansin ang makikitang kilig sa mukha ni Kim Chiu sa tuwing tinutukso siya ng kanyang mga kasamahang host sa It's Showtime kay Paulo Avelino.


Napalitan na rin ng kasiyahan ang lungkot sa mga mata ni Kim Chiu na kapansin-pansin noong napapabalita ang hiwalayan nila ni Xian Lim matapos ang mahigit 12 years nilang relasyon.


Kung iisipin ay tila sinayang lamang ni Kim Chiu ang kanyang panahon at pagmamahal kay Xian Lim na hindi naman siya napanindigan.



KimPau, Binasag Ang Mga Spekulasyon! Hindi Nawala Ang Sweetness

Walang komento


 Binasag na ng tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang mga kumakalat na usap-usapan na umano'y nawala na ang kanilang sweetness at hindi na rin umano intense ang feelings ng aktres kay Paulo Avelino.


Unang lumabas ang mga bali-balitang ito sa isang episode ng showbiz oriented vlog nina Ogie Diaz na umano'y may nagbago na sa pagtingin ni Kim Chiu kay Paulo Avelino at tila naasiwa na umano itong makipag-moment kay Paulo sa hindi malamang dahilan.


Subalit ang mga ipinakita nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa ngayon ay taliwas naman sa lahat ng mga sinasabi ng kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz.


Hindi naman naging lingid sa kaalaman ng lahat ang all-out na suporta ni Kim Chiu sa inilabas na pelikula ni Paulo Avelino at Kylie Verzosa na pinamagatang Elevator. Nagpunta pa si Kim Chiu sa red-carpet premiere night ng pelikula at pinaanyayahan ang kanyang mga tagahanga na suportahan at panoorin ang pelikuang pinagbibidahan ni Paulo.


Sa kamakailang guesting naman ni Paulo Avelino sa It's Showtime ay kapansin-pansin ring ang kanilang mga sweet gestures sa isa't-isa na kinakikiligan ng mga kasamahan nilang hosts at ng mga madlang pipol.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag sina Paulo Avelino at Kim Chiu patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.


Gayunpaman, marami pa rin ang naniniwalang malapit nang umamin ang dalawa kung pagbabasehan ang kanilang mga galawan sa harap ng publiko na tila ba hindi nila maitago ang nadaramang kilig sa isa't-isa.



Third Party Hiwalayan Marlou Arizala at Gena Mago

Walang komento


 Inihayag ni Xander Arizala sa social media ang kanyang disappointment sa kanyang partner na si Gena Mago, dahil sa pahiwatig niyang nagloko ito sa kanilang relasyon.


Sa kanyang post, tinanong ni Xander ang kanyang mga followers kung maituturing bang cheating kung may kausap at nagugustuhan nang iba si Gena Mago kahit magkarelasyon pa sila.


“Cheat po ba tawag sa kayo pa pero may iba na siyang gusto at kinakausap at kahit may anak na kami mas pinili niya ‘yung ibang tao kesa sa amin ng pamilya niya?” patanong na pahayag ni Xander Ford na kilala ring bilang si Xander Arizala.


Nagbigay pa ng pahiwatig si Xander na ang taong nagugustuhan ngayon ng kanyang partner ay isa pa niyang kaibigan.


Sa isang post, inilahad pa niya ang isang kasabihan na hindi lahat ng ahas ay nasa gubat dahil minsan ay nakakasama mo ito sa iisang bahay, pinatira at minahal subalit sa huli ay tatraydorin ka pa rin.


Bukod sa pagsasabing kaibigan, hindi naman nagbigay ng pangalan si Xander Arizala kung sino ang kanyang tinutukoy at hindi na rin niya ito pinangalanan.


Humihiling din siya ng lakas sa panginoon para matanggap niya ang nangyari sa relasyon nila ngayon ni Gena Mago. Ngayong nagkakalabuan na silang dalawa.


Hiniling rin ni Xander Arizala kay Gena na sana ay hindi nito itago sa kanya ang kanilang anak.


Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Gena Mago patungkol sa nangyari sa kanila ni Xander Arizala.



Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan sa social media noong nagdaang taon sina Xander Arizala at Gena Mago matapos ang pagpapabinyag nila sa kanilang anak nang singilin nila si Christian Merck Grey sa ipinangako umano nitong pakimkim sa kanilang anak.



Philip Salvador Harap Harapang Ininsulto! Wala Raw Kwentang Ama

Walang komento


 Nakatanggap ng pambabatikos ang premyadong aktor na si Philip Salvador matapos mag-anunsyo na tatakbo siyang senador sa darating na 2025 midterm election.


Matatandaan na noong nakaraang April 19, 2024 ay inanunsyo ni Philip Salvador ang kanyang intensyon na tumakbo bilang senador nang tanggapin niya ang alok ng PDP-Laban political party.


Ayon kay Philip Salvador, ang kanyang malapit na kaibigan na si Sen. Bong Go ang naglapit sa kanya kasama ang iba pa niyang mga kaibigang politiko.


Ayon kay Philip Salvador, mananatili siya sa PDP hanggang sa kanyang huling hininga. Hindi man umano siya abogado, hindi doktor, hindi rin engineer, isa lamang siyang artista ng PDP na epektibong magserbisyo sa mga Pilipino.


Dahil sa naging pahayag na ito ni Philip Salvador, umaani siya ngayon ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens.


Bago raw ito magbalak na magsilbi sa bayan ay dapat muna nitong unahin na padalhan ng sustento ang anak kay Kris Aquino na si Joshua Aquin n magiging 29 years old na sa darating na June 4.


May mga nagsasabi pa na hindi nararapat na manalo ang premyadong aktor dahil hindi nga nito nagampanan ng maayos ang pagiging ama ng kanyang anak na si Joshua Aquino ang paninilbihan pa sa bayan.


Samantala, hindi naman na bago kay Philip Salvador  ang pagtakbo sa mga halalan dahil kumandidato noon sa Mandaluyong at Bulacan subalit hindi siya pinalad na manalo.


Sa kabilang banda na sa programang 'Showbiz Now' Na nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika na ibinahagi nila sa kanilang YouTube channel, ipinagtanggol naman ni Cristy Fermin si Philip Salvador sa mga nambabatikos rito.


Ayon kay Cristy Fermin, ganitong-ganito rin ang naririnig niyang pambabatikos mula sa mga netizens nang tumakbo sa senado noon si Sen. Robin Padilla.


Minaliit, pinintasan at kung ano-ano pa ang mga ibinatong isyu laban dito subalit ang nangyari sa huli ay naging number senador pa.


Kaya naman hindi nararapat na pangunahan at lalong-lalo na maliitin si Philip Salvador kasi hindi naman nating hawak ang kapalaran at baka sa huli ay maging kapalaran din ni Philip Salvador ang naging kapalaran noon ni Sen. Robin Padilla.


Humirit naman si Wendell Salvador na positibo rin na mananalo sa halalan si Philip Salvador dahil sa magaling nitong PR at matulungin din ito kahit hindi nito kakilala ang taong humihingi ng tulong.


Ipinahayag pa ni Cristy Fermin na hindi naman nararapat na husgahan si Philip Salvador sa hindi niya pagbibigay ng sustento kay Joshua Aquino dahil hindi naman alam ng nakakarami kung ano ang usapan nila ni Kris Aquino.


Gayunpaman, nakakatitiyak umano si Cristy Fermin na balang araw ay bibigyan din ng linaw ni Philip ang lahat ng mga isyung ibinabato sa kanya.


Binalikan pa nina Cristy Fermin ang pananahimik ni Kris Aquino noong naghiwalay sila ni Philip Salvador gayung ilang beses itong nagbigay ng marahas na sa salita sa iba nitong mga nakarelasyon kagaya na lamang nina Mayor Joey Marquez at ni James Yap.



Vice Ganda Inasar Ulit Si Cristy Fermin Tinawag Na Matandang Tsismosa Sinungaling

Walang komento


 Muli na namang binanatan ng komedyanteng si Vice Ganda sa kanyang mga kritiko, na pinaniniwalaan ng ilang netizens na kasama rin ang beteranong mamamahayag na si Cristy Fermin sa isang episode ng It's Showtime.


Sa isa sa mga episode ng segment ng It’s Showtime, na “EXpecially For You,” napag-usapan nina Vice Ganda at ng isa sa mga contestant ang tungkol pure love.


“Sabi nila kapag daw first love, it’s so pure and innocent na talagang gini-give mo lahat ng pagmamahal mo. Sino nagsabi?” pahayag ni Vice Ganda.


Sinagot naman ito ng tanong ni Anne Curtis kung sino ang 'nila' na tinutukoy ni Vice Ganda sa kanyang naging pahayag.


Dito na binanatan ni Vice Ganda ang mga marites na nakikialam sa buhay ng ibang mga tao.


“Ganyan yung mga marites e. Sabi ni ano… Pero ang totoo, sa kanila galing ‘yun. Ganyan yung mga tsismosa. Kunyari ito ang comment ni chuchu chuchu, sabi ni ganyan. Pero ang totoo wala naman binabasa. Sa kanya ‘yun. Echosera,” pahayag ni Vice Ganda.


Dagdag pa nito, “Sinungaling ‘yang matandang ‘yan.”


Bagama't wala namang pinangalanan si Vice Ganda kung sino ang kanyang pinatutungkulan sa sinabi niyang matandang chismos, kaagad na naghinala ang marami na ito ay walang iba kundi si Manay Cristy Fermin na ilang beses na ring bumanat at pinuna ang kanyang pag-uugali.


Hindi naman ito pinapalampas ni Vice Ganda at kaagad ring sinasagot ang mga banat ng kilalang kolumnista na si Cristy Fermin.


Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Vice Ganda na gagawa siya ng isang kanta para kay Cristy Fermin.


Kaagad din namang pinuna ng kolumnista ang attitude ni Vice Ganda at ipinunto ang pagiging mayabang nito na kakambal pa umano ng inunan ng Unkabogable star.



Joshua Garcia, Julia Barretto May Reunion Movie! Posibleng Magkabalikan?

Walang komento


 Nakatakdang magsama muli sa iisang screen ang dating celebrity couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa isang upcoming film na pinamagatang UN/HAPPY FOR YOU na ididirek ni Peterson Vargas.


Sinusundan ng pelikula ang kuwento ng ex-couple, na nasaktan ang isa't isa, muling nagkita pagkatapos ng ilang mga taon.


Ang nasabing upcoming comeback movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia ay collaboration ng Star Cinema at Viva Films na isinulat nina Kukay Zinampan, Jen Jaucian, at Crystal San Miguel.


Samantala, marami ang napapatanong na mga netizens kung hindi ba sila makakaramdam ng awkwardness sa isa't-isa dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang kanilang naging relasyon noon.


Matatandaan na nagkaroon ng romantic relationship sina Joshua Garcia at Julia Barretto mula 2017 hanggang 2019 at nagkasama rin sa ilang mga proyekto.


Samantala, iginiit naman ni Joshua Garcia na noong unang marinig niya ang project at sinabi sa kanya ang kanyang makakasama ay kaagad siyang pumayag.


Ayon kay Joshua Garcia, ilang taon na rin silang hindi nagkatrabaho ni Julia Barretto kaya naman labis siyang nasisiyahan dahil muli na naman silang magkakabalikan sa isang pelikula.


Naniniwala naman si Julia Barretto na ito na ang tamang oras para muli silang magsama sa iisang trabaho ng kanyang dating boyfriend na si Joshua Garcia. Naniniwala rin si Julia na nasa tamang lugar na sila sa kani-kanilang buhay.


Kaya naman masaya siya sa muling pagsasama nila ni Joshua Garcia.


"It almost felt like maybe it was the right time, it's the right material, we're both in a good place in our life. I'm happy na magkakatrabaho tayo uli," pahayag ng aktres.


Noong una naman nilang marinig ang storyline ng pelikula, kaagad na nasabi ni Joshua Garcia na bilang mga actors ay hindi na sila mahihirapan ni Julia Barretto dahil na rin sa kanilang relationship history.


Sina Joshua Garcia at Julia Barretto ay nagbida sa mga pelikula at teleserye kabilang na sa Vince at Kath at James, Love You To The Stars and Back, Ngayon at Kailanman, I Love You, Hater, at Block Z. 


Huli silang lumabas na magkasama sa music video ni Moira Dela Torre para sa Paubaya .




Angelica Panganiban Emosyunal Sa Pagpapahayag Ng Kanyang Pagmamahal Kay Gregg Homan

Walang komento


 Marami sa mga netizens at mga kaibigan ng aktres na si Angelica Panganiban ang naging emosyunal matapos marinig ang vow ng aktres para sa asawang si Gregg Homan sa kanilang ikalawang kasal.


Muling nagpakasal ang mag-asawa na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa ikalawang pagkakataon sa Inara Resort sa Isla ng Siargao, ilang buwan matapos ang kanilang unang kasal sa US.


Sa isang video na ipinost ng The Aivee Clinic sa Instagram, nakunan si Angelica Panganiban na naging emosyonal sa altar nang ipahayag niya ang kanyang pagmamahal kay Gregg sa pamamagitan ng kanyang wedding vows.


"Ilang beses din akong nadapa, nasaktan, umiyak, pero ni minsan hindi ako sumuko sa pag-ibig. Alam kong darating din ang panahon na ibibigay din sa'kin ng Bathala ang karapat-dapat," panimulang pahayag ng aktres.


"Dumating ang araw na hindi ko malilimutan. Dumating ka. Ikaw ang naging sagot sa lahat ng bakit ko noon. Dahil sa'yo, naging sapat ako," dagdag ng aktres na nagsimulang maging emosyunal.


"Salamat dahil hindi lang ikaw ang dumating. Dumating ang isang tao na hihigitan pa ang kapasidad kong magmahal, dumating si Bean sa buhay natin. Pangakong hindi na ako matatakot at sasanayin ko na ang sarili ko na may nagmamahal na sa akin nang totoo at nag-aalaga nang wagas. Kasi ang sarap pala kapag nasusuklian ang lahat ng binibigay ko. Habang buhay, mahal kita."


Ilan sa mga celebrities na dumalo sa espesyal na araw nina Angelica Panganiban at Gregg Homan ay sina Kim Chiu, Bela Padilla, Andoy Ranay, Anne Curtis, mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, Dr. Aivee Aguilar Teo, Liz Uy, at Kean Cipriano.


Nagkakilala sina Angelica Panganiban at Gregg Homan noong 2020 nang mag-film si Angelica para sa isang teleserye show sa Subic, kung saan nakatira si Gregg. Kinumpirma nila ang kanilang relasyon noong January 2021.


Ang kanilang unang kasal ay naganap naman noong December 31, 2023 ng nakaraang taon.



Vic Sotto Sinabing Ka-laban Nila Ang It's Showtime

Walang komento


 Naging emosyunal ang batikang actor-host na si Bossing Vic Sotto sa kanyang 70th birthday celebration nitong sabado, April 20, 2024 sa kanilang noontime show na Eat Bulaga.


Labis na ikinasaya at ikinagulat ni Bossing Vic Sotto ang surpresang hinanda ng kanyang mga anak para sa kanya, kinantahan siya ng mga ito na labis na nakaantig sa kanyang puso.


Inamin rin ni Vic Sotto na talagang nata-touch siya sa tuwing makikita niyang nagkasasama at nagkakaisa ang kanyang mga anak.


Matapos ang pagiging emosyunal ni Vic Sotto ay nagpaunlak naman siya ng isang panayam kung saan ibinida niya ang kanyang movie comeback para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.


Ayon kay Bossing Vic Sotto, talagang masusurpresa ang kanyang mga tagahanga sa kanyang magiging Metro Manila Film Festival entry dahil talagang magiging kakaiba ito.


Dagdag pa ni Vic Sotto, dahil nag-iiba na ang panahon ngayon makakaasa rin ang kanyang mga tagahanga na magiging kakaiba talaga ang kanilang pelikula.


Bukod sa kanyang comeback movie nilinae din ni Vic Sotto na hindi naman sila magkaaway ng kanilang katapat at kakompetensyang noontime show na It's Showtime.


Ayon kay Vic Sotto, never nilang naging kaaway ang It's Showtime. Katapat, kalaban pero hindi naging kaaway. Nilinaw pa niya na iba ang kaaway nila. 


Iginiit pa ni Bossing Vic Sotto na magka-iba naman ang ibig sabihin ng kaaway sa kalaban. Kaya naman magkatapat at magkalaban lamang sila ng It's Showtime and it’s always been the case between their noontime shows na ilang taon na ring magkatapat, mananalo misan ang Eat Bulaga, mananalo naman minsan ang It's Showtime at ito umano ang nagpapasaya sa tanghalian ng bawat Pilipino.


Naglabas rin ng mensahe si Bossing Vic Sotto laban sa mga taong nagpapakalat ng mga maling impormasyon sa social media.


Sana ay ipagpatuloy lamang umano ng mga ito ang kanilang paninira dahil sila rin naman ang nakikinabang sa publicity.


@jayrzamoradandoy Bossing Vic Sotto nagsalita tungkol sa Noontime Show War… #EatBulaga #ItsShowtime #TahanangPinakamasaya #VicSotto #BossingVicSotto #JayrDandoy #JayrZamoraDandoy #SirJayrZamoraDandoy #TeacherJayrDandoy #TeacherJayrZamoraDandoy #TikToktainmentPH #LongerVideos #ViceGanda #PaoloContis ♬ original sound - JAY-R ZAMORA DANDOY

Nakakaiyak Patunay Na Wala Na Talaga Ang Paunine Janine Gutierrez Ganito Ang Ginawa

Walang komento


Ikinadismaya ng maraming mga fans nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez ang hindi pagsipot ng actress para magbigay ng suporta para kay Paulo Avelino sa nagdaang premiere night ng pelikulang pinagbibidahan nito kasama ang beauty queen actress na si Kylie Verzosa.


May mga tagahanga parin naman ng tambalang PauNine ang naniniwala na hindi pa naghiwalay ang dalawa at nag-lie low lamang ang mga ito para sa pagpopromote nina Paulo Avelino at Kim Chiu sa kanilang mga teleserye.


Subalit, tila nadurog ang kanilang mumunting pag-asa sa pagkakaroon ng relasyon nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez nang hindi magpakita ang aktres ng pagsuporta para kay Paulo Avelino para sa pelikulang Elevator na nag-premiere night nitong April 23, 2024.


Dahil dito tila natuldukan na ang mga haka-hakang may relasyon pa rin ang dalawa. Tila tinapos na talaga ng mga ito ang kanilang relasyon at si Kim Chiu ang panibagong babae ni Paulo Avelino na all out sa pagsuporta sa aktor.


Kaagad namang binalikan ng ilang mga netizens ang naging isyu noon kina Janine Gutierrez at Kim Chiu kung saan hindi umano nagpansinan ang mga ito sa isang performance nila sa ASAP Natin 'To.


Marami naman sa mga fans ni Janine Gutierrez ang naniniwala na talagang dawit ang pangalan ni Kim Chiu kaya nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Paulo Avelino at pinaghihinalaang girlfriend nito noon na si Janine Gutierrez.


Matatandaan na lumabas sa mga bali-balita noon na naghiwalay subalit nagkabalikan muli sina Paulo Avelinb at Janine Gutierrez subalit, ngayon tila tuluyan na talagang naghiwalay ang dalawa. Ang mas nakakalungkot pa rito ay maging ang kanilang pagkakaibigan ay tila nawala na rin.



 

Netizens Nagulat Sa Latest Video Ni Angel Locsin

Walang komento


 Bumuhos ang mga pagbati mula sa mga netizens para sa kaarawan ngayon ng tinaguriang real life Darna na si Angel Locsin.


Ikinagulat naman ng maraming mga fans na nag-aabang ng update sa buhay ng aktres ngayon ang pagbabahagi nito ng video kung saan makikita ang malaking pagbabago sa katawan nito.


Hindi katulad noon na pawang mga throwback photos lamang ang ibibahagi ng social media accounts ng aktres ngayon ay nagbahagi na ito ng latest video na kuha noong sinurpresa siya ng kanyang mga kaibigan at asawang si Niel Arce para sa kaarawan nito.


Makikita sa video na talagang nadagdagan ang timbang ni Angel Locsin, subalit hindi naman ito nakabawas sa kanyang angking kagandahan.


Tila natupad naman ang kahilingan ng maraming fans ng aktres na muling makita si Angel Locsin matapos ang ilang taong pananahimik nito sa social media.


Matatandaan na ilang buwan matapos ang 2022 National at Local Elections ay bigla na lamang tumigil sa pagbabahagi ng updates si Angel Locsin sa kanyang social media accounts at hindi na rin nagpapakita sa mga social gatherings.


Mula noon tanging malalapit na kaibigan na lamang ni Angel Locsin ang nakakakita sa kanya kagaya na lamang ni Dimples Romana na kilalang matalik na kaibigan nito.


Mula noon ay si Dimples Romana na ang nagbabalita sa publiko patungkol sa totoong kalagayan ni Angel Locsin at palaging pinapasinungalingan ang mga isyung kinasasangkutan nito.


Palagi ring iginigiit ni Dimples Romana na nasa maayos na kalagayan si Angel Locsin sa ngayon at masaya sa pagiging asawa at may bahay ni Niel Arci.



Janella Salvador Naglabas ng Pahayag Sa Pagkakapostpone ng Kanyang Concert

Walang komento


 Naglabas na ng pahayag ang actress-singer na si Janella Salvador patungkol sa pagkakaliban ng kanyang concert na pinamagatang Janella Reimagined.


Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng panibagong pahayag ang Star Music kung kailan magaganap ang na-postpone na concert ni Janella Salvador para sa kanyang 10th anniversary concert.


Umaasa naman ang actress na magaganap ang kanyang naudlot na concert sa darating na September ngayong taon.


Ang concert ni Janella Salvador na pinamagatang Janella Reimagined ay gaganapin sana noong April 19, 2024 sa New Frontier Theater sa Quezon City.


Gayunpaman, isang linggo bago ang nakatakdang petsa ay biglang naglabas ng statement ang Star Music kung saan inilahad nilang nai-reschedule ang concert ni Janella Salvador dahil sa hindi inaasahang pangyayari.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens lalo na't kamakailan lamang ay binabatikos dahil sa pagtanggi nitong magbigay ng sample sa It's Showtime.


May mga nagsangkot pa sa anak ni Janella Salvador sa isyu na labis namang ikinainis ng aktres.


Samantala, nagbigay naman ng pahayag si Janella Salvador kung saan inilahad niyang hindi pa niya alam kung kailan matutuloy ang kanyang naudlot na concert subalit hiniling niya na sana sa September na ito magaganap.


Ipinaliwanag naman ni Janella Salvador ang maraming kadahilanan kung bakit naudlot ang kanyang concert. Ayon kay Janella Salvador, marami ang nangyari ilang linggo bago pa man ang kanyang performance na dapat ay naghahanda na sana siya sa kanyang concert.


Ayaw naman umano niyang bigyan ang kanyang mga tagahanga ng half baked performance kaya naman mas pinili niya na ipagpaliban na muna ang kanyang concert.


Gusto umano niyang ibigay sa kanyang mga tagahanga ang kanyang 100 percent best.


Bukod pa rito, naging abala din si Janella Salvador sa pagpopromote ng kanyang pelikula kasama ang Thai actor na si Wen Metawin na pinamagatang Under Parallel Skies.



Atasha Muhlach Pinagpipilitan Maka-Love Team Ni Daniel Padilla

Walang komento


 Pinagpipilitan ng mga fans ng aktor na si Daniel Padilla na si Atasha Muhlach ang maging panibagong ka-loveteam ngayon ng aktor. Subalit, may ilang namang kumukuntra sa sinasabing tambalan nina Atasha at Daniel Padilla.


Tila nahanapan na ng mga fans ang aktor na si Daniel Padilla ng panibagong leading lady na babagay umano sa karisma ng aktor, ito'y walang iba kundi ang anak ni Aga Muhlach at Eat Bulaga host na si Atasha Muhlach.


Matatandaan na umani ng papuri si Atasha Muhlach mula sa mga netizens ng sumabak ito sa aktingan noong nakaraang holyweek special ng Eat Bulaga.


Dahil dito, hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang ilang mga fans ni Daniel Padilla at hiniling na si Atasha na lamang ang gawing leading lady ni Daniel Padilla sa upcoming teleserye nito.


Sa kabilang banda, hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga netizens dahil hindi umano maganda na pangunahan ng mga fans ang management, bukod pa rito, lumalabas na napi-pressure na ang mga tagahanga ni Daniel Padilla kaya sila na mismo ang naghahanap ng babaeng ipapareha sa aktor.


May mga nagsasabi naman na lugi si Daniel Padilla kung si Atasha ang ipapartner sa kanya dahil baguhan pa lamang ito sa larangan ng aktingan at wala pang solid fan base.


Matatandaan na parehong pumirma ng exclusive contract ang dating reel at real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Star Magic at ABS-CBN.


Subalit ngayon ay hindi na sila magka-loveteam at ayaw na rin nilang magkasama sa mga projects.


Sa ngayon ay mayroong posibilidad na ang panibagong maging ka-loveteam ni Kathryn Bernardo ay si Alden Richards na nakasama na niya sa high grossing film na Hello, Love, Goodbye.


Hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang Star Magic at ABS-CBN patungkol sa kahilingan na ito ng mga fans ni Daniel Padilla.




Nakakagulat! Video Ni Kris Aquino Na Lumabas Makikitang Super Energetic Niya at Malakas!

Walang komento


 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang isang video na ibinahagi ng isang Instagram account ng mga tagahanga ng Queen Of All Media na si Kris Aquino.


Ang nasabing video ay kuha noong ika-17 na kaarawan ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby Aquino noong April 19, 2024 sa pagbisita ni Vilma Caluag.



Makikita sa video na masayang nakikipag-usap si Kris Aquino at masigla pa nitong ipin-flex ang kanyang suot na jacket na may nakasulat na 'you deserved me be Happy'.


Napansin naman ng maraming mga netizens ang pagiging energetic ni Kris Aquino. Tila nawala na rin umano ang panlalanta nito dala ng kanyan mga karamdaman.


Dahil dito naghinala ang mga netizens na bumubuti na ang kalagayan ngayon ng Queen of All Media at gumagana na ang mga gamot na itinurok rito para sa kanyang mga autoimmune diseases.


Hiling naman ngayon ng mga taong lubos na nagmamahal kay Kris Aquino na sana ay tuluyan na itong gumaling mula sa kanyang mga kalagayan at sana ay mabigyan pa ito ng mahabang panahon para makasama niya ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.


Samantala, nagbigay ng pahiwatig si Kris Aquino na magtatagal pa sila sa Amerika dahil inaasikaso na ngayon ni Bimby ang kanyang US Student VISA upang doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.


Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng buong detalye si Kris Aquino kung ano na ang update ng kanyang pagpapagamot bukod sa kanyang pag-amin na natatakot siyang hindi na niya maabutan ang ika-18 na kaarawan ni Bimby Aquino na kaka-celebrate pa lamang ng 17th birthday nito.



© all rights reserved
made with by templateszoo