25 Most Followed Pinay Celebrities sa Instagram

Lunes, Mayo 4, 2020

/ by Sparkle

Ang instagram ay isang social media platform kung saan ginagamit ng mga celebrities upang kumonekta sa kanilang mga fans. Dito makikita kung sinong mga artista ang may pinakamaraming fans sa showbiz industry o sabihin na nating mas pinaka popular. Narito ang 25 Most Followed Pinay Celebrities sa Instagram as of April 8, 2010.

25. SOFIA ANDRES (@IAMSOFIAANDRES) – 5,807,372 FOLLOWERS



Si Sofia ay hindi lamang maganda at inspirasyon sa fashion. Inspirasyon rin siya sa kanyang mga followers na tumulong sa mga nangangailangan.

Si Sofia at ang boyfriend nito na si Daniel Miranda ay ilan sa mga celebrities na tumulong sa mga tao sa Batangas na nasalanta ng pagalburuto ng bulkang Taal.

24. JESSY MENDIOLA (@SENORITA_JESSY) – 5,819,193 FOLLOWERS



Ang actress na ito at entrepreneur ay mahilig magbakasyon sa may dagat kasama ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano.

23. TONI GONZAGA (@CELESTINEGONZAGA) – 5,840,191 FOLLOWERS



Paminsan-minsan, nag uupdate si Toni sa kanyang mga fans tungkol sa kanyang family life o pagsisikap sa negosyo.

Bago pa lamang nag launched ng sariling fragrance line ang ABS-CBN host na ito.

22. ANGELICA PANGANIBAN (@IAMANGELICAP) – 5,945,002 FOLLOWERS



Si Angelica ay isang open book sa Instagram - parati siyang nagsasalita tungkol sa kanyang heartbreaks at life realizations.

Hindi rin niya nakakalimutang aliwin ang sarili paminsan-minsan.

21. YENG CONSTANTINO (@YENG) – 6,263,701 FOLLOWERS



Bukod sa mga pictures nya sa kanyang gigs at performances, nagpapakita rin si Yeng ng mga pictures tungkol sa kanyang married life.

Mahilig syang magtravel kasama ang kanyang asawa.

20. SARAH LAHBATI (@SARAHLAHBATI) – 6,288,308 FOLLOWERS



Ang Instagram feed ni Mrs. Richard Gutierrez ay puno ng travels, OOTDs at family moments kasama ang kanyang anak na sina Zion at Kai.

19. SOLENN HEUSSAFF (@SOLENN) – 6,621,125 FOLLOWERS



Pagkatapos maging ina, si Solenn ay nagsimula ng ibang klaseng fitness journey. Tinawag niya itong #RoadToMe.

Ang bagong GMA-7 celebrity mom na ito ay ginugugol ang sariling oras sa pag-eehersisyo sa bahay.

18. COLEEN GARCIA (@COLEEN) – 6,681,568 FOLLOWERS



Kung fitness lang naman ang pag-uusapan, hindi magpapahuli si Coleen Garcia. Nagpopost rin si Mrs Billy Crawford ng travel photos sa kanyang Instagram.

17. SUE RAMIREZ (@SUEANNADOODLES) – 6,845,709 FOLLOWERS



Ang batang aktres na ito ay kumukuha ng atensyon sa Instagram followers sa pamamagitan ng pagpo-post ng bikini pictures. Nagpopost rin si Sue ng Fashion OOTDs, Korean-inspired makeup selfies at hindi pangkaraniwang haircuts.

16. LOISA ANDALIO (@IAMANDALIOLOISA) – 7,104,282 FOLLOWERS



Si Loisa ay sikat sa Instagram dahil sa kanyang mga make-up looks. Ngayon, katulad ng maraming Gen Z sa social media, ginugugol ni Loisa ang kanyang oras sa paggawa ng Tiktok videos at pagshe-share nito sa Instagram.

15. ANGEL LOCSIN (@THEREALANGELLOCSIN) – 7,154,287 FOLLOWERS



Ginagamit ni Angel ang kanyang Instagram sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanayng fundraising projects.

Marami ang humanga kay Angel dahil sa kanyang mga aksyon ngayong quarantine. Ilan sa kanyang fans ang naniniwalang si Angel nga ang totoong manipestasyon sa comic-book superheroine na Darna. Ang Darna ang karakter na nagpasikat kay Angel noong nasa GMA-7 pa lamang ito.

14. BEA ALONZO (@BEAALONZO) – 7,503,021 FOLLOWERS



Si Bea ay kilala sa pagshare ng kanyang saloobin sa Instagram. Kasama na rin dito ang family pictures at solo adventures. Heartbroken man siya noong 2019, pinayuhan niya ang kanyang fans na i take "one day at a time" lamang ito.

13. MAJA SALVADOR (@IAMMAJASALVADOR) – 7,715,889 FOLLOWERS



Palaging nagbabahagi si Maja Salvador sa kanyang mga followers tungkol sa mga masasaya nilang alaala ng kanyang boyfriend na si Rambo Nunez Ortega.

12. YASSI PRESSMAN (@YASSIPRESSMAN) – 7,865,652 FOLLOWERS



Sa kalagitnaan ng pagpropromote ng kanyang shows at endorsements sa Instagram, hindi nakakalimutan ni Yassi na magbahagi ng masaya at magagandang vibes.

Mas lalong dumami ang kanyang followers ng naging parte sya ng "Ang Probinsyano" kung saan gumanap siya bilang love interest ni Coco Martin.

11. NADINE LUSTRE (@NADINE) – 8,245,571 FOLLOWERS



Noong 2019, nanalo si Nadine ng acting awards para sa role niya sa 2018 film Never Not Love You.

Bukod sa mga kontrobersyal na isyu sa kanyang personal na buhay at desisyon sa kanyang kareer, patuloy pa rin si Nadine bilang artista.

10. ANDREA BRILLANTES (@BLYTHE) – 8,353,720 FOLLOWERS



Dahil sa success ng kanyang afternoon drama na Kadenang Ginto, dumami lalo ang followers ni Andrea sa Instagram. Noong nakaraang taon, ang batang Kapamilya artist na ito ay mayroon lamang 4.8 million followers. Ngunit sa pagtatapos ng 2019 ay nagkaroon sya ng panibagong 3.4 million followers.

Inilunsad ni Andrea ang kanyang sariling make-up line sa pangangalaga ng Careline brand taong 2019.

9. KIM CHIU (@CHINITAPRINCESS) – 8,383,773 FOLLOWERS



Noong nakaraang taon, nagkaroon ng 6 million followers sa Instagram si Kim. Pagkatapos ng isang taon, naging 8 million ang followers niya sa Instagram.

Habang naka quarantine, ang ABS-CBN star na ito ay palaging pina-alalahanan ang kanyang mga followers na maging fit at healthy.

8. MARIAN RIVERA (@MARIANRIVERA) – 8,626,305 FOLLOWERS



Ina ng dalawang supling, ginagamit ni Marian ang kanyang impluwensiya sa social media para ma promote ang kanyang adbokasiya sa breastfeeding. Prino-promote rin niya ang local na fashion at homemade goods.

7. ALEX GONZAGA (@CATHYGONZAGA) – 8,707,136 FOLLOWERS



Dumami ang followers ni Alex nang sumikat ang kanyang Youtube channel.

6. JULIA BARRETTO (@JULIABARRETTO) – 8,968,386 FOLLOWERS



Ang taong 2019 ay nagdala ng kontrobersya at kamalasan sa pintuan ni Julia. Pero hindi nito nasira ang kanyang kareer. Sa kabaliktaran ay mas dumami pa ang kanyang social media followers tungkol sa kanyang issue.

Ngayong taon, pinili ng Kapamilya aktres na maging open sa kanyang mga saloobin.

5. CATRIONA GRAY (@CATRIONA_GRAY) – 9,256,856 FOLLOWERS



Si Catriona ang ika-limang showbiz star at ikalawang Miss Universe winner na maraming followers sa Instagram.

Katulad ni Pia, ginagamit rin ni Catriona ang impluwensya sa social media upang magbahagi tungkol sa kanyang mga passions at adbokasiya.

4. PIA WURTZBACH (@PIAWURTZBACH) – 10,437,507 FOLLOWERS



Hindi man kabilang si Pia sa ating top 3 ngayong taon, pero sya pa rin ang pinakamaraming followers sa lahat ng beauty queens dito sa Pilipinas.

Pagkatapos makuha ang Miss Universe crown noong 2016, ginagamit ni Pia ang plataporma bilang isang UNAIDS Goodwill Ambassador.

3. KATHRYN BERNARDO (@BERNARDOKATH) – 11,762,066 FOLLOWERS



Na-dethrone ni Kathryn si Pia bilang ikatlong showbiz stars na maraming followers sa Instagram. Ang taong 2019 ay napakaswerte sa aktres lalo na at naging hit ang kanyang film na "Hello, Love at Goodbye".

Ang Kapamilya star na ito ay nakakuha ng 3.7 million new followers noong nakaraang  taon. Noong Abril 2019, mayroon siyang 8 million followers na mas mababa kaysa kay Pia.

2. LIZA SOBERANO (@LIZASOBERANO) – 12,858,948 FOLLOWERS



Si Liza ay nanatiling low profile noong 2019 ngunit siya pa rin ang ikalawang most-followed Pinay celebrity sa Instagram.

Noong Abril 2019, mayroon siyang 9.5 million followers. Pagkatapos ng isang taon ay umani si Liza ng bagong 3.2 million followers.

1. ANNE CURTIS (@ANNECURTISSMITH) – 14,741,876 FOLLOWERS



Taong Abril 2019, nagkaroon si Anne ng 11.4 million followers.

Si Anne ang nanatiling queen sa Instagram sa pagkakaroon ng pinakamaraming followers. At ngayon nga na ang It's Showtime host na ito ay pumasok na ibang pahina ng kanyang buhay - ang pagiging ina - nag-aabang ang kanyang fans para sa mas maraming post niya kasama ang kanyang anak na si Dahlia Ahmelie.

Ano ang masasabi nyo? Tingnan ang video sa ibaba:



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo