Kinumpirma ni Director Jerrold Tarrog na kasama si Paulo Avelino sa Darna Cast

Lunes, Mayo 4, 2020

/ by Sparkle




Kinumpirma ni Director Jerrold Tarrog na parte ng cast ng Darna si Paulo Avelino.

Ang Darna ay isang adaptation ng Mars Ravelo komiks classic. Ito ay pagbibidahan ng Star Magic actress na si Jane De Leon. Tinalo nya ang 300 katao na nag audition para sa Darna.



Ipinahayag ni Tarrog ang pagkakasali ni Paulo sa cast habang nagla-live sa Cinema 76's Facebook Page noong April 8.

Ani Tarrog, "Lumabas na iyong si Paulo ay kasama sa cast, totoo iyon."




Bago ang proyektong Darna, naging director si Tarrog sa Heneral Luna (2015) at Goyo: Ang Batang Heneral (2018).

Para naman sa ibang cast na hindi pa napapangalanan sa Darna, sinabi ni Tarrog na naka sign siya ng non-disclosure contract at hindi niya ito maibabahagi sa iba.



Dinetalye niya, "Iyan iyong naka-NDA. Alam ko may plan iyong marketing for announcing the cast, so ayoko muna silang unahan."

"Marami pang actors na kasama. Hintayin na lang natin iyong marketing, kasi baka masira ko iyong plano nila!"

Noong February 2020, ang manager ni Paulo na si Leo V. Dominguez, ay nagsabi sa Instagram na si Paulo Avelino raw ang magiging leading man ni Jane De Leon sa Darna.

PAGSHO-SHOOTING NG DARNA BAGO ANG QUARANTINE

Ang Darna ay isa sa mga movies na inaabangan ng mga tao pero ito ay naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Ang ECQ ay ipinatupad ng Pangulo bilang panlaban sa pagkalat ng Coronavirus.

Hininto ng ABS-CBN Films ang production ng lahat ng mga movies nito.

Sa katunayan, bago mag community quarantine, nagpaplano na silang magshoot sa isa sa mga action scenes ni Jane sa Darna.

Saad ng direktor, "Sayang, kasi before nag-quarantine, we were already about to shoot one of the biggest action scenes doon sa pelikula. May fight scene na sana kaming isu-shoot noong end of March."

Kahit na ganito ang nangyari ay masaya pa rin si Tarrog sa rough cuts ng film at sa performance ni Jane sa Darna.

"Base doon sa mga na-edit na namin na rough cut, I'm really happy with how it's going so far. Jane de Leon is doing really, really good."

"Nae-excite ako for Jane. Gusto ko matapos iyong pelikula para makita ng mga tao iyong trabaho niya."

Tinanong si Tarrog habang nagla-live sa Facebook tungkol sa audition ni Jane at kung bakit ito ang napili niya para sa Darna.

Pag-eexplain niya, "Kapag kinilig ka na sa audition pa lang, alam mo nang may magagawa siyang maganda. That's what happened with Jane actually. May ginawa siyang mga bagay na nakakakilig panoorin."

"May mga iba na magagaling din, pero si Jane iyong pinaka may tamang balance ng qualities para makuwento iyong coming-of-age story na gagawin namin for Darna."

Tingnan ang video sa ibaba:




Ano ang masasabi mo dito? Boto ka ba sa tambalang Paulo at Jane? Magkomento na sa ibaba.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo