Bumida ang national costume ni Miss Universe Philippines Catriona Gray sa Miss Universe 2018.
Marami ang napabilib at nagandahan sa costume ni Catriona, na sumisimbolo sa Luzon, Visayas at Mindanao.
"This is Miss Philippines and I'm ready for the national costume competition. My outfit is inspired by the three regions of the Philippines. I have handmade brass accessories, T'boli headpiece and brass belt, all from Mindanao. The bodysuit is from Visayas and my extra piece which is over there is from Luzon." - Miss Universe Catriona Gray
Ang bodysuit ni Catriona ay may Pintados pattern mula sa Visayas, habang galing sa Mindanao ang kanyang mga accessories. Kumakatawan naman sa Luzon ang malaking parol na backpiece ng costume ni Catriona.
Ang costume ay dinisenyo ni Jearson Demavivas, katulong sina Gray, Carlos Buendia at Jojo Bragais. Target ni Catriona na makuha ang ika-apat na Miss Universe title ng Pilipinas. Ginanap ang Miss Universe 2018 pageant noong December 17 sa Bangkok, Thailand.
Panuorin ang video:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!