Sinilang na ni Jewel Mische ang kanyang second baby girl

Martes, Mayo 5, 2020

/ by Sparkle



Si Jewel Mische ay mayroon ng dalawang babaeng anak.

Masayang sinalubong ang pangalawang anak ng Ultimate sweetheart sa Starstruck season 4 at ang amerikanong asawa nito na si Alister Kurzer.

Pinangalanan nila itong Emerald Jade o Emrie.

Sa isang video na pinost ni Jewel noong April 7 sa Instagram, makikita si Emrie na nakabalot sa isang berdeng kumot at nakaburda ang pangalang "Emerald".

Ang kapsyon ni Jewel ay, "'The flower born into adversity is the most beautiful and rare of all.'"



Ipinakita rin ni Jewel sa Instagram ang kanyang baby noong araw ring yon. Ang picture na ito ay kinuha noong April 3, 2020, kung saan si Emrie ay isang araw na gulang pa lamang.

Saad ni Jewel na si Emrie ay may bigat na 7 pounds at 10 ounces noong pinanganak ito.

Ipinaliwanag rin ni Jewel ang ibig sabihin sa pangalan ng kanyang bagong silang na anak.

Sabi niya sa caption, "Emerald: 'majestic beauty.. rare strength.. tempered with mercy and lover of mankind.'"

Maganda rin ang pakiramdam ni Jewel kahit na bagong panganganak pa lamang niya. Sabi niya, "I’m good, just sore & exhausted. #HeartisFull #SoThankful"

Sa instagram post noong December 21, 2019 ay ibinunyag ni Jewel ang kanyang pagdadalang tao sa kakaibang pamamaraan.

Nagpost siya ng mga ingredients para sa longganisa pasta na may garapon ng basil-pesto sauce sa isang tabi.

Kapsyon niya dito ay, "Roses are red, Violets are blue.. we have a secret and here is your CLUE!"

Ang clue ay ang pangalan ng basil-pesto sauce na "Prego".

Noong March 23, ibinahagi ni Jewel ang itsura ng kwarto ni Emerald sa Instagram.





Noong 2013 ay bumitaw si Jewel sa pag-aartista at December sa taon ring iyon ay na engage siya kay Alister.

Nagpakasal ang dalawa noong February 2015. Noong July 12, 2018 ay sinilang ni Jewel ang kanyang unang anak na si Aislah Rose.

Tingnan ang video sa ibaba:



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo