GIRLFRIEND ni Carlo Aquino, nanganak na! CARGEL Fans, na-HURT!

Lunes, Setyembre 14, 2020

/ by Sparkle


Viral ngayon sa social media ang ipinost na larawan ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino, sa photo makikita ang isang cute na cute na baby na pinangalanang Enola Mithi Aquino. Makikita din na nakatag ang girlfriend ni Carlo na si Trina Candaza sa sinasabing instagram post. Narito ang buong caption ni Carlo Aquino. 


You can thank your stars all you want but I'll always be the lucky one

Enola Mithi Aquino @trinacandaza



Ayon pa sa aktor, naging maayos naman daw ang panganganak ng girlfriend niya at nagpapasalamat ito na naging malusog ang kanilang first baby. 



Agad namang bumaha ng pagbati mula sa showbiz friends ng aktor matapos mabalitaang tatay na si Carlo Aquino. Narito ang kanilang mga naging komento:



Matatangdaang napabalita nitong October 2019 na girlfriend na ni Carlo Aquino si Trina na talaga namang nagpaiyak sa marami nilang fans ni Angelica Panganiban dahil buong akala nga ng fans na dating na sina Angelica at Carlo noong mga panahong iyon. Ito ay matapos nilang magtambal muli sa isang movie. 


Ayon naman kay Carlo, sa ngayon daw ay okay na okay na daw ulit sila ni Angelica at suportado nila ang isa't-isa. 


Congratulations Carlo Aquino sa bago nyong baby ni Trina Candaza. Wag kang mag-alala Angelica, makakahanap ka rin ng taong deserving sayo . Ano po ang masasabi ninyo sa video na ito? Wag kalimutang magkomento sa inyong opinyon at magsubscribe for more updates!




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo