"Hi Philippines, I'm Korea" PART 2 w/ 3 STARS | Koreano, dinuraan at pinunit ang FLAG ng Pilipinas

Sabado, Setyembre 12, 2020

/ by Sparkle

 


Pagkatapos magviral ang video ni Maeloo kung saan ininsulto niya ang watawat ng Pilipinas, dinuraan ito, pinunit at tinapak-tapakan, isa pang koreano ang gumawa ng kahindik-hindik na kabastusan sa Philippines Flag. Hindi po namin nakuha ang kanyang pangalan pero makikita po sa video na ang nakadrawing na watawat ay may 3 stars na. Matatandaang ang iginuhit na watawat ng Pilipinas ni Maeloo ay kulang ng tatlong bituin kung kayat maraming Pinoy ang nagsasabing hindi ito ang flag ng Pilipinas.


Tila ang pangalawang koreanong ito ay gumawa ng video upang punan ang pagkukulang ni Maeloo. Maraming pinoy ang nangigigil dahil tila wala daw balak ang mga koreanong ito na humingi ng tawad, bagkus ay parang nagdedeklara pa ito ng gyira sa Pilipinas. Marami ring pinoy ang natawa dahil kahit sa part 2 video ng mga koreanong ito, ay hindi pa rin nila naiguhit ng maayos ang watawat ng Pilipinas. Sa video na ito, kahit na nailagay nya ang 3 stars sa flag, ang sun naman nito ay kulang ng dalawang rays. Ang Philippines flag kasi ay may eight rays sa sun nito pero sa video ng koreanong ito ay 6 rays lamang ang kanyang naiguhit.

WATCH THE VIDEO:


Heto naman ang mga komento ng mga netizens online.




Itong video na ito ang tugon ng mga koreano ukol sa nagtrending na hashtags #cancelkorea at #apologizetofilipinos. 



Nagsimula ang #cancelkorea nang ang ilang mga Koreano ay nag-iwan ng mga nakakainsulto at "racist" na komento sa mga post ni Bella Poarch, isang Filipina social-media influencer na naka-based sa Hawaii. Ang mga komento na iniwan ng ilang Koreano ay nagsasabing ang Pilipinas raw ay isang "mahirap na bansa" at isang "state ng pag-alipin" at ang mga Pinoy ay "walang pinag-aralan" at "pandak." Mabilis na ipina-alala ng mga Pilipino ang serbisyo ng Pilipinong sundalo noong Korean war, at ipinunto rin nito na ang PHilippines ay isa sa pinakamalalaking fanbase ng K-pop at K-drama sa buong mundo. Ang ilang mga tagahanga pa nga ay nagsasabi na "they will put down their lightstick and raise our own flag" dahil sa isyu.


Ano ang masasabi niyo sa mga bastos na koreanong ito? Dapat ba silang gawing persona non grata o i-ban sa Pilipinas? Share your thought in the comments section below and don't forget to hit like and subscribe for more updates.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo