Janella Salvador, may plano nga bang iwanan ang Showbiz at mamalagi na lamang sa England?

Sabado, Setyembre 26, 2020

/ by Sparkle


Bagamat matagal ng napapabalita ang relasyon nina Janella Salvador at Markus Patterson, ay never daw silang nakitang sweet sa mata ng publiko. Sa katunayan pa nga daw ay  mayroong pagkakataon noon na kahit magkasama sila ay halos itago daw ng aktres na si Janella ang kanyang nobyo. 

Naiintindihan naman daw ito ng mga observers sa industriya dahil may career at loveteam na pinangangalagaan noon si Janella. Pero ngayon, ito at lantaran na ang relasyon nina Janella at Markus. 



Sabi ng isang netizen ay nagbago na daw si Janella. You and me against the world na daw ang drama nito at wala ng pakialam sa kanyang career para lang pagbigyan ang kanyang lovelife. 


Hirit pa ng ilan, dahil boto rin naman ang kanyang ina sa actor ay hindi na ito nangingialam sa usapin ng puso ng anak. 




Sa pagiging hayagan nina Janella at Markus ngayon sa kanilang relasyon, ay marami rin namang mga netizens ang kinikilig at natutuwa. Kahit ang mga kapwa nila celebrity ay bumati at nagalak para sa kanilang dalawa.


Ilan sa mga artista na bumati ay sina Maja Salvador, Sue Ramirez, Bianca Gonzales, Kyle Echarri at Darren Espanto. Pero kung may sumusuporta sa relasyong Janella-Markus ay meron ding halos durugin ng samu't-saring batikos ang FilBrit actor na si Markus Patterson dahil sa isyung binuntis daw nito si Janella Salvador. 


Hanggang ngayon ay wala pang kompirmasyon ang magcouple tungkol dito. Mapapansing hindi bet ng mga netizens na ito na mapupunta si Janella kay Markus dahil feeling nila ay hindi daw ito karapat-dapat sa aktres. Nakakaloka pa nga ang hirit ng iilang fans na nagsasabing mas swerte pa umano si Sofia Andres sa mayamang partner nitong si Daniel Miranda kaysa kay Janella. 


Ang rason ay wala pa daw umanong regular na trabaho si Markus at umaasa palang sa pamilya. Samantala, hindi din mamatay-matay ang issue na sa UK na muna mamalagi si Janella dahil sa rasong itinali na ito ni Markus dahil sa napapabalitang pagbubuntis nito. 


At dahil nga sa dinaranas na pandemya ngayon sa bansa, at wala silang trabaho pareho, ay malamang doon na daw sa England mananatili ang celebrity couple. Posible na umanong hindi na babalik pa si Janella sa Pilipinas at doon na sila forever mamalagi ni Markus sa london. Posible din na magpapaalam na ito sa showbiz na nagbigay sa kanya ng kasikatan. 



Ngayong naglilive-in na sila ni Markus sa London, ay maaaring maisip na nila na tumigil na sa showbiz para hindi na magulo pa ang buhay nila at maging ang buhay na kanilang bubuohin in the future. Tiyak ding gugustohin ito ni Janella at doon na maninirahan sa London kasama ang kanyang "best potato" o "future husband" na si Markus Patterson. 


WATCH THE VIDEO:




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo