Julia Barretto, gustong gumanap na KABIT sa sikat na K-Drama na "A World of Married Couple"

Biyernes, Setyembre 11, 2020

/ by Sparkle





Ibinahagi ni Julia Barretto na wala siyang pag-aalinlangan na gumanap bilang isang kabit kung mayroon mang Filipino remake ng Korean drama na "World of Married Couple."

Aminado ang aktres na isa syang malaking K-pop fan at kahit anong palabas na korean. 

Sa "PopCinema" ng Cinema One hosted by MJ Felipe at Bianca Gonzalez, sinabi ni Julia na ang isa sa paborito niyang Korean drama ay ang "A World of Married Couple." Ibinahagi pa nya na gusto niyang gumanap bilang isang kabit kung sakaling magkaroon ng isang bersyon ng Pinoy ang nasabing korean drama.

Sinabi ni Julia,“‘A World of the Married Couple.’ If you guys have seen that. It’s one of the best in the world. I want to do something like that.”

“But I want to be Da Kyung, the young girl. If you’ve seen it you would know. She’s the young girl there, she’s so pretty,” dagdag pa niya.



Ang tinutukoy ni Julia ay ang karakter na si Da Kyung, ang kabit sa korean drama na naging pangalawang asawa ng bidang lalaki. Ito ay ginampanan ni Han So-hee, isang korean actress. 

Nagbigay rin naman agad ng mga komento ang mga netizens ukol sa kagustuhan ni Julia na gumanap bilang isang kabit.






Bukod sa tinatangkilik ni Julia ang mga K-drama, sinabi ni Julia na siya ay fan rin ng K-pop group na "BLACKPINK." 

Isiniwalat ng aktres na isa syang masugid na fan ng K-pop at ninais niyang magkaroon siya ng kakayahang magtransport agad sa South Korea.

Samantala, patuloy pa rin ang pananahimik ni Julia tungkol sa kanyang kontrobersyal na lovelife. Sa isang mukbang vlog na ginawa niya kamakailan, sinabi niya na mas gugustuhin niyang hulaan na lamang ito ng publiko.

“I think I wanna keep people wondering…” sinabi niya.

Ano sa tingin nyo? Bagay nga ba kay Julia ang role ni Da Kyung sa k-drama na "World of married couple"? Ibahagi ang inyong komento sa ibaba at huwag kalimutang magsubscribe for more updates.




( Hide )

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo