Isang korean youtuber na si Maeloo ang nagviral ngayon matapos bastosin ng koreanong ito ang watawat sa Pilipinas. Makikita sa video na hindi lang nito pinunit ang Philippines flag, dinuraan niya pa ito at tinapak-tapakan. Ang title ng video nito sa youtube ay "Hi Philippines, I'm Korean". Kanina lamang ito in-upload, Sept 11, 2020 ngunit mayroon na agad itong 20k views. Tila ito ang pagsagot ng koreanong youtuber na ito pagkatapos magtrending sa twitter #cancelKorea.
Maraming pilipino naman ang nangigil ukol sa viral video na ito.
Matatandaan na nitong mga nakaraang araw ay nagtrending ang #cancelKorea dahil sa pangmamaliit di umano ng mga Koreano sa mga Pilipino.
Nagsimula ang #cancelkorea nang ang ilang mga Koreano ay nag-iwan ng mga nakakainsulto at "racist" na komento sa mga post ni Bella Poarch, isang Filipina social-media influencer na naka-based sa Hawaii. Ang mga komento na iniwan ng ilang Koreano ay nagsasabing ang Pilipinas raw ay isang "mahirap na bansa" at isang "state ng pag-alipin" at ang mga Pinoy ay "walang pinag-aralan" at "pandak."
Mabilis na ipina-alala ng mga Pilipino ang serbisyo ng Pilipinong sundalo noong Korean war, at ipinunto rin nito na ang PHilippines ay isa sa pinakamalalaking fanbase ng K-pop at K-drama sa buong mundo. Ang ilang mga tagahanga pa nga ay nagsasabi na "they will put down their lightstick and raise our own flag" dahil sa isyu.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!