Noong Linggo, ang Fil-Am aktres na si Liza Soberano ay nagrant sa Twitter upang ipahayag ang kanyang frustration sa mabagal na internet at hindi magandang serbisyo sa customer ng kanyang dating service provider (ISP) na Converge ICT Solutions Inc. Sinabi niya na hindi nila sinasagot ang telepono tuwing tinatawagan at mga unprofessional raw ito.
“Converge really needs to start fixing their internet speed. I am an unhappy customer,” saad niya.
Ang kanyang post ay nai-retweet ng ilang libong beses. Dalawang araw pagkatapos niyang tumawag sa Converge, ang pangunahing kumpanya ng telecommunications na PLDT ay nagtungo sa kanilang bahay at binigyan siya ng isang mas mabilis na koneksyon sa internet. Ibinahagi ng aktres sa Twitter na ang kanyang koneksyon sa internet ay may bilis na hanggang 300mbps.
Nagkomento ang PLDT sa kanyang Tweet. Sinabi nila na natutuwa sila na nakakaranas na siya ngayon ng isang lag-free na connection sa internet. I-winelcome din nila si Liza sa kanilang PLDT family.
“We’re so thrilled that you can now experience a lag-free internet connection at home, Liza! Welcome to the family! Should you need our online help, we’re just a message away!”
Gayunpaman, ang pag-bilis sa koneksyon sa internet ni Liza Soberano ay hindi natanggap nang maayos ng mga natitirang mga customer ng PLDT. Sinabi ng mga netizens na kailangan ng telco company na ayusin ang kanilang internet.
Pagkatapos sinaved ng PLDT ang internet connection ni Liza, isa na namang Kapamilya actress na si Bela Padilla ang pabirong nagtweet ukol sa mabilis na reaksyon ng PLDT sa reklamo ni Liza Soberano sa mabagal na internet ng dating provider na Converge.
Sabi ni Bela, “PLDT, bekenemen! My pldt wifi doesn’t reach 1 MBPS for downloading and/or uploading every time I test it... ONE.”
Isang netizen naman ang nagcomment na wala silang ganda gaya ni Liza,
sagot ni Bela, “Ay, pero pambayad ng pldt, meron naman tayo.” Tumugon ang PLDT sa tweet ni Bela Padilla. Sinabi nila sa kanya na "malulutas nila ito in no time."
Actually, hindi lang si Bela ang nainggit dahil si Julia Barretto ay napa-“sana all” na sana nga, hindi lang mga celebrities ang binibigyan ng magandang serbisyo ng PLDT at ng ibang internet providers kundi lahat sana ay mabilis na inaasikaso.
Muli, nag-react ang mga netizen sa mabilis na aksyon ng PLDT sa mga aktres. Narito ang ilan sa kanilang mga puna:
WATCH THE VIDEO:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!