Ogie Diaz at Donita Nose, ipinagtanggol ang kaibigang si Tekla laban sa akusa ni Michelle na live in partner nito!

Huwebes, Oktubre 22, 2020

/ by Sparkle


Hanggang ngayon nga ay hot topic pa din sa social media ang pagpapatulfo ni Michelle sa live in partner nitong si Super Tekla. Ngayong araw nga ay nagsalita na ang malapit na kaibigan ni Tekla na sina Donita Nose at Ogie Diaz. 


Ayon kay Donita, matapos niya daw umanong mapanood ang video, agad niyang kinausap si Tekla. At tinanong kung totoo ba talaga ang akusasyon ni Michelle sa kanya. Mariin naman daw na itinanggi ni Tekla ang mabibigat na paratang sa kanya. At sinabing planted daw ang nagviral na video. Ayon pa kay Donita, sa tagal na nilang magkasama at mag kaibigan ni Tekla, ni minsan daw ay hindi niya naisip na kayang gawin ni Tekla ang mga mabibigat na paratang ni Michelle. 




Sinabi din umano ni Tekla sa kaibigan na kaya daw nagpatulfo si Michelle dahil gusto na umano nitong makipaghiwalay kay Tekla. Samantala, nagpaunlak din ng panayam si Ogie Diaz. Paglalahad ni Ogie, nakita niya kanina si Tekla na palabas ng condo kaya naman nilapitan niya ito, at agad na tinanong kung totoo ba talaga ang paratang ni Michelle sa kanya. 


Ayon umano kay Tekla, hindi niya kayang gawin ang mga binibintang ni Michelle sa kanya. Gumagawa na lang daw umano ito ng kwento. Paglilinaw pa ni Ogie na kaya daw hindi makapagsalita si Tekla sa programa ni Raffy Tulfo, dahil bilang respeto sa GMA Network, sa 24 oras muna daw magsasalita si Tekla. Nasabi din ni Ogie na si Tekla halos ang gumagastos sa pamilya ni Michelle kaya hindi umano maisip ni Tekla na bakit nagagawa ni Michelle ang mga ganoong paratang sa kanya. Nabanggit din ni Ogie na nagbayad si Tekla ng dalawang milyon sa condo owner matapos umanong sunugin ni Michelle ang tinitirahan nilang unit. 



Umamin naman si Michelle na sya ang huling lumabas sa unit pero sinigurado daw niya na walang pwedeng pagmulan ng sunog kaya hindi daw sya dapat ang sisihin ni Tekla. Natanong din ni Ogie kung ano ang kahahantungan ng pagsusumbong ni Michelle kay Raffy Tulfo. Gusto ba daw nitong kasuhan at maipakulong si Tekla, o gusto nitong makipag ayos kay Tekla. 


Ayon sa sagot ni Michelle, gusto umano niyang makasuhan at maipakulong si Tekla dahil sobra na daw talaga ang ginagawa nito sa kanila. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo