Tekla, ipinatulfo ng kanyang kalive-in partner! Alamin ang tunay na dahilan!

Miyerkules, Oktubre 21, 2020

/ by Sparkle

 


Romeo Librada aka Tekla, binuko ang totoong ugali at kababoyang ginagawa niya sa kalive-in partner. Ang komedyante, nahaharap sa patong-patong na kaso. Ang panghaharass raw ni Tekla sa asawa nito na kung saan ay maaaring ikakulong ni Tekla ng matagal, kung mapapatunayan na guilty ito. 


Kung kamakailan ay kinaawaan si Tekla sa gitna ng pandemya dahil sa sinapit sa bunsong anak nito na nasa kritikal na kondisyon. Sumailalim sa maselan na operasyon upang ito ay mabuhay. Naging mabilis naman ang naging aksyon ng malalapit nyang kaibigan. At maging cohost nitong si Willie Revillame ay isa sa mga tumulong para sa ikagagaling ng kanyang anak. 



Ngayon naman ay humaharap si Tekla sa isang akusasyon na hindi basta-basta dahil maaari syang makulong nang pangmatagalan dahil sa mga kaso at bintang na kakaharapin niya. Matapos magreklamo ang kanyang kinakasama na si Michelle, emosyonal na sumaklolo si Michelle kay Raffy Tulfo dahil hindi niya umano kaya pang tiisin ang pangha-harrass ni Tekla. 


Ayon kay Michelle, si Tekla raw ay nambubugbog at ginugutom sya sa tuwing tinatanggihan sya ni Michelle na makipagtalik kahit na sya ay kakatapos lamang manganak sa kanilang bunsong anak. Bukod pa riyan, ang hirap na gampanin niya bilang ina dahil sa naging kritikal na kondisyon ng kanyang anak. Ngunit si Tekla raw ay hindi ito iniisip bagkus ay namimilit pa rin na makipagtalik. 





Minsan raw ay nagsasarili na lamang si Tekla. Ngunit ang masaklap rito ay sa tuwing ginagawa niya ito ay sa harap pa mismo ng kanyang pamangkin. Kaya naman kadiri umano ang aksyon na ito at kinababahala sapagkat hindi umano gawain ng isang normal na tao. Ayon mismo kay Raffy Tulfo at maging manonood na nakikita, ang kababoyang ginagawa ng komedyante. 


Samantala, pinatunayan naman ng bintang ni Michelle ng isang ebidensya kung saan ay makikita si Tekla na nagagalit at nagwawala matapos hindi sya pagbigyan ni Michelle na makipagtalik sa komedyante. Kaya naman nababahala ang mga netizens at maging si Raffy Tulfo. 


Tinanong ni Raffy Tulfo si Michelle kung may bisyo pa raw ba si Tekla. Ang naging pahayag naman ni Michelle ay ang alam niya ay matagal na itong tumigil sa paggamit sa mga bisyo. At sumangguni naman si Raffy Tulfo sa eksperto kung maaari bang kasuhan at makulong si Tekla sa kanyang mga pinaggagagawa. 


Ayon nga sa isang abogado ay "oo at maaring patong-patong na kaso ang kakaharapin ni Tekla at matatagalan kung makalaya kapag ito ay napatunayan." Sa ngayon ay hindi pa nakukuha ang panig ni Tekla sa programa dahil umano ay nasa taping pa ito. Ano ngayon ang masasabi nyo sa balitang ito? Magcomment na sa ibaba!





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo