Inamin ni Angelica Panganiban na una siyang nasaktan nang i-tag siya ng publiko bilang "hugot queen," dahil sa mga karakter na ginampanan niya na kadalasasn ay heartbroken.
Ibinunyag ito ni Panganiban matapos siyang tanungin sa virtual press conference kung paano niya gustong tawagin ng ibang tao. Nakatakda siyang magbida sa seryeng “The Goodbye Girl” kung saan nag-momove on ang kanyang karakter mula sa isang heartbreak.
“Hindi ko alam. Hindi ko naman siya inisip ever. Mahirap naman talaga magbigay ng brand sa sarili mo. Parang 'yung mga ‘hugot queen’ na iyan, ako ba 'yung nagbigay niyan? ‘Di ba hindi naman. Kayo ang nagbigay niyan. Nung una nga na-hurt pa ako eh.”
Gayunpaman, natutunan ni Panganiban na tanggapin kung bakit binansagan siya ng mga tao bilang "hugot queen." Para kay Panganiban, may positive side din ang nakikitang ganyan.
“May ibang impact din na may mga taong nilalapitan ka kapag hindi na nila alam kung sinong dapat nilang lapitan. Nagsusulat sila ng mga letters or magtu-tweet sila,” sabi niya.“Nung ginawa ko yung ‘Ask Angelica’… ang sarap sa pakiramdam na sa pains or struggles nila in life, gusto nilang tulungan mo sila and pati ikaw, nag-i-inspire ka. Hindi mo nai-imagine na parang natutulungan mo rin pala 'yung sarili mo,” dagdag pa niya.
Sinusundan ng “The Goodbye Girl” si Panganiban bilang si Yanna, na broken hearted matapos magdesisyon ang kanyang kasintahan na iwan siya para sa ex girlfriend nito.
Devastated, nag-record si Yanna ng maraming video habang iniiyakan ang kanyang naudlot na relasyon. Sa pag-viral ng kanyang mga video, nagkabook deal siya nang makilala niya ang karakter ni JC de Vera. Isinalaysay ni Yanna sa libro ang totoong kwento ng mga kababaihan na tinulungan niya sa sarili nilang mga heartbreaks.
Based on the book by Noreen Capili, the iWantTFC original title is directed by Derick Cabrido, with Dreamscape Entertainment and Clever Minds co-producing. Kasama rin sa serye sina Loisa Andalio, Barbie Imperial, Elisse Joson, Maris Racal, RK Bagatsing, Joshua Colet, Ronnie Alonte, Turs Daza at Rico Blanco.
Ang anim na episode na serye ay magiging available para sa streaming sa iWantTFC simula February 14.
Watch Full Video Here:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!