Kamakailan ay sinabi ni Cristy Fermin na naaawa siya kay Nadine Lustre dahil sa mga pinagdaanan daw nito noong magkasama pa sila ni James Reid. Sa pinakahuling episode ng Cristy Ferminute, sinabi ng veteran columnist na deserve ni Nadine na maging masaya matapos na kumpirmahin ng aktres ang relasyon nila ni Christophe Bariou. Ibinahagi ni Nanay Cristy ang ilang kuwentong narinig niya tungkol sa mga karanasan ni Nadine noong kasintahan pa niya si James.
“Masyado siyang ano, masyado siyang kawawa. Dapat reciprocal ang pagmamahalan pero siya, iniiwan-iwanan. Nakikisama sa mga barkada, iiwan si Nadine. Si Nadine naman, gagawin lahat ng paraan para lang ma-win back si James. Kawawa, kawawa. It's about time na lumigaya na si Nadine Lustre dahil mapagmahal din siya at marunong mag-aalaga ng kanyang karelasyon, 'di ba naman?”
Dagdag pa ni Cristy,
“Nakakaawa si Nadine ah, kung maririnig mo 'yung mga kwento. Nagmumukha siyang TH. Napaka-trying hard.”
“Itong ganitong klaseng babae gagawin mong trying hard? May napatunayan na rin naman si Nadine, 'di ba? Nakikipagsabayan din naman siya. Tapos gagawing kawawa nu'ng lalaki. Ano 'to? Ano feeling ni James Reid, siya ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa?”
“Pagkatapos ng mahabang panahon na naghiwalay sila, inilagay pa nga niya sa alanganin si Nadine kaya nagkadema-demanda sa Viva, 'di ba? O, pagkatapos nu'n, gugustuhin mo pa rin ba 'yung lalaki na para kang nagmamakaawa, nanlilimos ng pagmamamahal? Natural hindi na.”
Si Nadine Lustre ay isang sikat na artista sa Pilipinas dahil sa loveteam nila ni James Reid, lumabas siya sa mga pelikula tulad ng "Never Not Love You" at "Diary Ng Panget." Nadurog ang puso ng kanilang fans at followers nang aminin nilang break na sila.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!