Kabilang sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa listahan ng mga taong napag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang pinakabagong Showbiz Update video. Pinag-usapan nina Ogie at Loi ang paliwanag ni Diego kung bakit siya umalis papuntang US mag-isa na wala si Barbie. Ayon kay Diego, nagpunta daw siya sa US "bigla" at nang tanungin kung bakit wala si Barbie sinabi ni Diego,
"I don't think Barbie has a blue passport."
"Bakit may mga 'I think', di sila nag-usap?"
Ipinunto ni Ogie kung saan tinanong niya si Loi kung ano dapat ang mas magandang tugon ni Diego sa press conference.
"Diba dapat mas diretso na salita na, 'She would like to come' or 'I invited her to come with me kaso she doesn't have a visa.' Diba dapat ganun? Bakit 'I think she doesn't have a passport', 'I think she doesn't have a visa.' Bakit di mo alam?" sabi ni Loi.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, sinabi ni Ogie na matagal nang hindi nakita ng mga netizens ang post ng dalawa tungkol sa isa't isa. Kasunod ng komentong ito, sinabi ni Ogie na isa raw sa mga source niya ang nag-claim na hiwalay na ang dalawa. Ibinahagi din ng talent manager na pinapili umano si Diego kung itutuloy pa ba nila ang relasyon o dapat na silang maghiwalay na.
"Ang nabalitaan natin ano, nag-away daw itong si Barbie at si Diego. Tapos ang sabi, mamili lang daw si Diego. Itutuloy pa ba natin 'to or hiwalay na? Eh parang nanalo ata yung hiwalay na. Yun po yung nakarating sa akin."
Si Diego Loyzaga ay anak ni Teresa Loyzaga kay Cesar Montano. Siya ay isang artista, video jockey, at model. Kamakailan ay tinanong si Diego Loyzaga kung bakit hindi sumama sa kanya ang girlfriend na si Barbie Imperial sa US. Nataranta siya noong una nang marinig ang tanong, na nagsasabing:
“Patay tayo diyan.”
Kumalma naman si Diego kalaunan at pinaliwanag na kusang pumunta siya sa US out of the blue. Isa pa, hindi niya alam kung may visa si Barbie.
Watch Full Video Here:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!