Finally pinakilala na ni Maymay Entrata sa publiko ang kanyang boyfriend!!!

Martes, Pebrero 22, 2022

/ by Lovely

Maraming netizens ang ginulat ni Maymay Entrata dahil sa kanyang post noong Valentine’s Day. Sa kanyang Instagram page, nag-post ang aktres at recording artist ng larawan nila ng isang guwapong lalaki, na tila foreigner.

Sa nasabing snapshot, makikitang matamis na magkayakap ang dalawa. Sa caption, binati ng ‘Pinoy Big Brother Lucky Season 7’ big winner ang lalaki ng happy birthday.

Samantala, maraming netizens ang nag-assume na ipinakilala na ni Maymay ang kanyang nobyo sa post, dahilan upang ipahayag nila ang kaligayahan para kay Maymay.

Si Marydale Entrata, mas kilala bilang Maymay Entrata, ay isang Pinay actress, singer, TV host, at model. Ipinanganak siya noong May 6, 1997 sa Camiguin, Philippines ngunit ginugol ang halos lahat ng mga araw ng kanyang kabataan sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental.

Dati, kumakalat sa social media ang school grade point average ni Maymay. Sa katunayan, isa rin siya sa mga nangungunang estudyante para sa first semester sa kanilang university partikular sa departamento ng Technology Communication Management. Bukod dito, nagbahagi rin ang Kapamilya actress ng screenshot ng third honor list, kung saan kasama ang kanyang pangalan. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga kay Maymay at pinahahalagahan din ang kanyang pagsusumikap sa pag-aaral.


Watch Full Video Here:


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo