“Uwian na! May nanalo na!”
Ito ang sinabi ng ilang netizens bilang reaksyon sa post ni Francine Diaz kung saan ibinunyag niyang napansin siya ng isa sa mga artista sa hit Korean show na All Of Us Are Dead.
Noong Martes, February 1, nag-share ang Kapamilya actress sa social media ng screenshot ng reply na natanggap niya mula kay Yoon Chan-young na gumaganap bilang Lee Cheong-san sa serye.
Ang All Of Us Are Dead ay sinusundan ang kuwento ng mga estudyanteng natrapped sa isang paaralan sa gitna ng paglaganap ng zombie virus at kalaunan ay nagtulungan upang lumaban para mabuhay.
“Ikamamatay ko ‘to! Cheong-san!!! Saranghae!”Sumulat si Francine sa kanyang post kung saan makikita ang isang waving hand emoji na ipinadala sa kanya ni Chan-young.
Sa isang tweet, sinabi ni Francine na papayag lang siyang ma- seenzoned kung si Chan-young ang lalaki at wala nang iba.
“Kay cheong san lang ako papayag ma-seenzoned,” sabi niya.
Nilinaw din niya na ang mensaheng natanggap niya ay tugon sa mensaheng ipinadala niya dito. Gayunpaman, hindi malinaw kung ano ang mensaheng ipinadala ni Francine kay Chan-young.
“Reply niya yan sa message ko haha. Hindi siya ang nag send ng dm sakin,” tugon niya sa isang tweet ng netizens.
Noong January 27 lamang ay nagcelebrate ng 18th birthday si Francine.
Watch Full Video Here:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!