Muling pinag-usapan ni Cristy Fermin ang tungkol sa napapabalitang break-up nina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Sa episode ngayon ng Cristy Ferminute, ipinalabas ng veteran showbiz columnist at ng kanyang co-host na si Romel Chika na ang mga kaibigan umano ng mag-asawa ay namamagitan kina Carla at Tom sa gitna ng rumored marriage woes.
"'Yung mga kaibigan daw po ni Tom Rodriguez at ni Carla Abellana, sila daw po ang tumutulong para magkabalikan ang dalawa. Para namang nakakalungkot 'yung ganu'n, 'di ba, Nay? Na 'yung mga kaibigan pa 'yung gumagawa ng paraan. Dapat sa kanila manggaling sana. Mas mabilis mga proseso 'pag ganu'n, 'di ba, Nay?" sabi ni Romel.
Nag react naman si Nay Cristy at sinabing,
“Marami, marami ang namamagitan sa kanila, mga kaibigan. Mga kaibigan na nagpaparating ng salita sa mag-asawa para kahit paano, matagpian kung anuman 'yung napunit sa relasyon nila, 'di ba?” “Pero tama ka e, hindi dapat sa outside forces manggaling ang pagbabalikan, silang dalawa dapat."
Dati, nilinis ni Cristy Fermin ang pangalan ni Kelley Day matapos itong madawit sa diumano'y paghihiwalay nina Carla at Tom. Ayon sa veteran showbiz columnist, may pinagseselosan si Carla, hindi si Kelley. Nagkaroon din ng wild guess si Nanay Cristy tungkol sa pagkakakilanlan umano ng third-party.
Ibinahagi rin ni Carla ang isang quote na napaka-timely at relatable para sa maraming tao. Ito ay tungkol sa kung paano makakaapekto ang opinyon ng ibang tao sa mental at emotional state ng isang tao. Ipinost ito ng Kapuso actress sa kanyang Instagram account at nilagyan pa ito ng GIF na may nakasulat na "be kind".
Watch Full Video Here:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!