"I’m still who I am". Ito ang mga sinabi ni Janella Salvador para sa mga taong tinawag siyang "sayang" pagkatapos niyang maging isang ina. Sa isang panayam kay Ogie Diaz para sa kanyang YouTube vlog, sinabi ni Janella,
“Doon ako nati-trigger. Kasi, hindi naman ako sayang, eh. I’m still me. I’m still who I am. I’m still Janella Salvador. I can still sing. I can still act. I can still work. Bakit sayang, ‘di ba? Wala naman nabago sa’kin so walang sayang."
Dagdag pa niya, kaya pa rin niyang ituloy ang mga bagay na inaasam niyang gawin habang siya ay isang ina.
"'Pag naging nanay ka na, hindi ka sayang. I can still do everything that I want to do. Na-delay lang nang konti, pero kaya ko pa rin gawin and gagawin ko pa rin," sabi niya.
Dagdag pa ni Janella,
“I’ve never felt more alive. Parang ngayon nagsisimula 'yung buhay ko, ngayon na kasama ko na si Jude. Katabi ko na si Jude."
"Some people still look down on it pero ang sa akin, as long as you are a good parent, as long as you are a good mom, you're financially able to raise your child, emotionally ready ka, walang problema."
Ipinanganak ni Janella ang kanyang unang anak na pinangalanang Jude Trevor noong Oktubre 2020.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!