Janella Salvador nagkaroon ng trauma sa kanyang past relationship!!

Sabado, Pebrero 19, 2022

/ by Lovely

Tinanong ni Ogie Diaz si Janella tungkol sa past relationship niya at kung na-trauma siya nito.
"Napanood ko kay Doc Vicki Belo na ayaw mong banggitin yung past relationship mo, the name, trauma sayo?" tanong ng talent manager.
Walang pag-aalinlangan, tumango si Janella at sinabing oo, nilinaw na napatawad na niya ang tao sa kabila ng trauma na idinulot nito.

 
"Meron. May trauma siyang nadulot sakin. Na-forgive ko naman na. Ako as a person, mabilis ako mag-forgive. Hindi ako nagho-hold ng grudges kasi ako, gusto ko peaceful tayo," sabi niya.
Ngunit sa kabila ng pagpapatawad nabanggit ni Janella na hindi sila nagkaroon ng closure,
"Pero closure, hindi kami nagkaroon ng closure. I just chose to... Okay na. Let go ko na."
Nang marinig ito, nagtanong si Ogie,
"Lalo na't lumabas yung mga isyu na hindi maganda, nagkaroon ng pisikalan. Yun yung trauma sayo?"
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkwento si Janella tungkol sa kung ano ang eksaktong nagpa-trauma sa kanya sa nakaraan niyang relasyon.

"Actually, ang naging trauma sa akin, hindi yung physical part. Actually, I've never talked about this, I won't go into detail na lang pero yung part na na-trauma ako for some reason is being around drunk people, drunk men. Yun yung naging trauma ko. Pag lalaki, tapos lasing, tapos wala sa sarili, dun ako na-trauma. Alam ni Markus yun."


Nag-post kamakailan si Janella Salvador ng bagong video sa kanyang Instagram account. Ang nasabing video clip ay ang kanyang anak kay Markus Paterson, si baby Jude Trevor Paterson. Sa video clip, natuwa ang mga netizens nang mapalitan ang pagtawa sa pag-iyak ni baby Jude.


Watch Full Video Here:

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo