Nagpropose na si Jhon Cabahug kay Lian last year kahit alam nito na hindi pa fully annulled ang kasal ni Lian kay Pao. Gayunpaman, nagtitiwala si John na ibibigay na rin ang annulment.
"Last year, nag-propose ako kay Lian noong anniversary namin. Kahit alam ko na hindi pa annulled, nagpaalam ako sa kanya. Sabi ko, ibibigay rin naman ’yan [kasal], gusto ko lang i-assure sa’yo na totoo ’tong ginagawa ko," sabi ni John.
Nang maglaon sa panayam, tinanong siya tungkol sa mga bata, at kung mayroon ba siyang planong ampunin sila.
"Pero sabi ni Attorney, kailangan kasi ng signature ni Paolo. Sabi ko, baka hindi papayag ’yon. Pero ako, sobrang gusto ko," sagot ni John.
“Kung p’wede lang, kung halimbawa si Paolo, hindi na siya ’yong magpa-pride... pero siyempre, nirerespeto ko rin ’yong proseso at saka siya, kung ano ang mga diskarte niya sa buhay. Kaya sabi ko, in the right time siguro," pagdaragdag niya.
Sa ulat mula sa GMA nakasaad, na talagang masaya sina Lian at John sa kanilang blended family. As per Philstar, nang lumabas ang isyu ni Paolo kay LJ, hindi na nag-abala pa si Lian tungkol dito.
Si Lian Paz ay isang dancer na regular ng lumalabas sa iconic noontime program, na “Eat Bulaga” bilang miyembro ng EB Babes. May dalawa siyang anak sa dating asawa na si Paolo Contis – sina Xonia at Xalene. Napaka-blessed ngayon ni Lian Paz sa kanyang buhay sa Cebu kasama ang kanyang mga anak at ang kanyang kasintahang si John Cabahug. Ibinahagi niya ang tungkol dito sa isang eksklusibong panayam kay Salve Asis ng Philippine Star. Nang tanungin tungkol sa breakup ng dating asawang si Paolo Contis kay LJ Reyes, sinabi ni Lian na ayaw niyang maki-alam sa isyu.
Nagpahayag din ng kasiyahan ang dating EB babe sa kanyang tahimik na buhay sa labas ng mundo ng showbiz. Kamakailan ay nagbahagi siya ng isang nakaka-inspire na post sa kanyang mga tagasubaybay. Ang kanyang post ay naglalaman ng isang quote na nagbibigay-diin na hindi kailangang malaman ng mga tao kung ano ang mangyayari bukas. Ipinapayo din nito na ang kailangang malaman ng mga tao ay ang Diyos, ang Isa na may hawak ng bukas.
Watch Full Video Here:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!