Jhon Ling sinagot ang isyu tungkol sa totoong relasyon nina Seth Fedelin at Francine Diaz

Miyerkules, Pebrero 16, 2022

/ by Lovely

Sa gitna ng mga tsismis na nag-uugnay kina Seth Fedelin at Francine Diaz na may romantikong relasyon, ang talent manager ng aktres na si John Ling ay tumugon sa issue. Sinagot ni Ling, sa pamamagitan ng kanyang personal Instagram account, ang tanong ng fan sa isa sa kanyang mga post. Kung totoo bang nililigawan ni Fedelin, na ka-loveteam ni Andrea Brillantes, si Diaz sa totoong buhay.
“Nope .. that's the truth,” sagot ni Ling.
Ito ay matapos mapansin ng mga fans na tila hindi na finafollow nina Diaz at Brillantes ang isa't isa sa Instagram, na humantong sa pagiging top trends sa Twitter ng kanilang mga pangalan. Ang pagkaputol ng ugnayan sa social media ay nangyari sa gitna ng sirkulasyon ng larawan na nagpapakita kay Fedelin at Diaz kasama ang pamilya ng aktres.

Ibinahagi din ni Brillantes ang isang cryptic clip sa TikTok kung saan she lifted the lyrics from "Lose You To Love Me" ni Selena Gomez, in particular: 

“I gave my all and they all know it. You turned me down and now it’s showing. In two months, you replaced us. Like it was easy. Made me think I deserved it.”

Sina Brillantes at Diaz, kasama sina Fedelin at Kyle Echarri, ang mga orihinal na miyembro ng The Gold Squad, na nabuo sa panahon ng kanilang sikat na afternoon drama na "Kadenang Ginto" noong 2018.

Watch Full Video Here:

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo