Kelly Day ipinagtanggol ng kanyang ina na si Lenie Day sa pambabatikos ng mga bashers!!

Sabado, Pebrero 19, 2022

/ by Lovely

Matapang na sinagot ng ina ni Kelley Day na si Lenie Day, ang isa sa mga basher ng kanyang anak sa social media dahil sa kanilang "sana di ka makarma" na comment. Dati, nadawit si Kelley sa diumano'y hiwalayan ng Kapuso celebrity couple—sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kasunod ng balitang ito, ilang netizens ang nagsimulang puntiryahin si Kelley sa kanyang social media accounts.
"Ang sama sama mo. Idol pa naman kita at ng mga SHS students ko. We hate you na po. God Bless, sana di ka makarma pagdating ng panahon," sulat ng isang netizen.
Hindi naman ito pinalagpas ng ina ni Kelley at sinabing,
"Grabe ka rin mag-judge ano po? Ma'am teacher po ba kayo?"
Pinaalalahanan din niya ang netizen sa previous statement ni Kelley,
"Wala pong katotohanan ang tsismis."
Gayunpaman, hindi umatras ang netizen, at sinabing kapag ang isang celebrity ay nadawit sa isang isyu, may katotohanan ito,
"May mga mata mga commentator sa showbiz."

Samantala, nagpahayag naman ng saloobin si Lolit Solis sa katatapos na isyu kina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Sinabi ng columnist na hindi na dapat magselos si Carla dahil "the one, the only one" siya ni Tom considering na pinakasalan siya nito. Binanggit din niya ang pangalan ng Kelley Day, at pinabulaanan ang tsismis.

Watch Full Video Here:


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo