Mas mabuti na umanong naghiwalay sina Mel Sarmiento at Kris Aquino ayon kay Lolit Solis

Huwebes, Pebrero 17, 2022

/ by Lovely

Hindi napigilan ni Lolit Solis na maglabas ng sariling saloobin sa mahabang komento ni Kris Aquino sa kanyang IG post. Sa post ni Krissy, ipinaliwanag niya ang mga bagay na umano'y nangyari sa pagitan nila ni Mel. Hindi napigilan ni Manay Lolit na makiramay kay Kris Aquino, sa hindi pagsagot ni Mel sa tawag ng nakatatandang kapatid ni Kris.

"Akala pa naman ng lahat natagpuan na ni Kris ang ‘the one’ para sa kanya, pero kung babasahin mo ang naging sagot niya parang umpisa pa lang ay hindi na buo ang nararamdaman niya kay Mel,"sabi ni Manay.
"Masakit nga siguro iyon nag try ang ate niya para kausapin si Mel pero iniwasan at hindi sinagot ni Mel ang tawag ng ate ni Kris. So noon pa lang pala medyo may mga ginagawa ng palpak si Mel, kaya mas mabuti ngang naghiwalay na sila,"sabi pa niya.
Ipinunto rin ni Lolit Solis kung paano hindi kasama ni Kris si Mel, lalo na ngayon na hindi maganda ang kalagayan ni Kris. Matatandaang nauna nang nagpost sa instagram si Kris at ibinalita na hiwalay na sila ni Mel.

Si Kris Aquino, na kilala bilang Queen of all Media, ay isang TV host, artista at product endorser. Siya ang bunsong anak ng mga yumaong politiko, sina Cory at Ninoy Aquino, at isa sa mga kapatid ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Ginulat ni Kris Aquino ang mga netizens sa social media nang mag-iwan siya ng mahabang reply sa post ni Lolit Solis. Dati, ipinahiwatig ni Lolit ang posibilidad na magkabalikan sina Mel Sarmiento at Kris. Gayunpaman, ayon kay Kris, hindi ito ang kaso dahil iniwan siya ni Mel sa kanyang pinakamahirap na sitwasyon at ginawa ito sa pamamagitan lamang ng isang text. Ayon kay Kris, kinuwestiyon pa niya kung may pag-ibig nga ba o simpleng infatuation sa kanilang dalawa.

Ayon kay Kris, hindi pa sila nagkasundo ni Mel Sarmiento at sinabing iniwan siya ni Mel in her lowest time. Saglit din niyang binanggit kung paano nabigo si Mel na kilalanin na "nasaktan niya si Bimb". Isa pa, ikinuwento ni Kris kung paano "inisnubbed" ni Mel ang isa sa kanyang nakatatandang kapatid na ikinagulat ng mga netizen.

Watch Full Video Here:

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo