Muling umatake si Xian Gaza, sa pagkakataong ito ay may post na screenshot ng diumano'y mensahe niya sa aktres na si Carla Abellana tungkol sa isang bagay na aniya'y gumugulo sa kanyang isipan. Ang self-proclaimed “Pambansang Marites”, nagsabi na hindi siya nakatulog ng two days because of the nagging question na gusto niyang itanong sa aktres.
“Madam Carla, magandang umaga po. My name is Xian Gaza, National Marites of the Philippine Islands. May gusto lang sana akong linawin para makatulog na po ako. Dalawang gabi na po kasi akong binabagabag nito. Apektado na po yung mental health ko,” Tanong ni Xian na nabasa sa sinasabing mensahe niya kay Carla.
Pagkatapos ay tinanong niya kung ito ay totoo o fake news lamang na ang isang tao na hindi niya pinangalanan ay nakabuntis ng iba ilang buwan lamang bago ikinasal.
Si Carla Abellana at ang kanyang asawang si Tom Rodriguez, ay nagviral sa social media kamakailan matapos i-unfollow ng mag-asawa ang isa't isa sa Instagram. Kalaunan ay finallow nilang muli ang isa't isa sa parehong social media platform.
Gayunpaman, hindi malinaw kung si Tom ang tinutukoy ni Xian sa kanyang tanong dahil wala siyang binanggit na pangalan. Bukod sa cryptic post ni Tom, wala pang pahayag ang aktor o si Carla tungkol sa pag-unfollow nila sa isa't isa sa social media.
Si Xian Gaza ay isang sikat na social media influencer at entrepreneur. Kilala siya sa kanyang bonggang date proposals sa mga celebrities. Nag-trending online si Xian matapos yayain si Jennie ng BlackPink na makipag-date gamit ang mga billboards sa Pilipinas at Korea.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!