Ang hitmaker ng "Hugot" na si Moira dela Torre at ang pop supergroup na SB19 ay kabilang sa mga big winner ng Wish Music Awards ngayong taon. Nasungkit ni Dela Torre at ng grupo behind “Bazinga” ang mga nangungunang trophy noong Linggo ng gabi, nang ginanap ang awarding ceremony.
Bukod sa pagiging Artist of the Year, nanalo si dela Torre ng Contemporary Folk Song of the Year para sa “Paubaya.” Samantala, nakakuha naman ang SB19 ng kabuuang limang parangal kabilang na ang Group of the Year, Pop Song of the Year para sa “What?”, at Wisher’s Choice.
Ang mga mananalo sa iba't ibang kategorya ay makakatanggap ng monetary awards para sa kanila at sa kanilang mga napiling benepisyaryo. Binigyan naman ng espesyal na parangal ang violinist na si Alfonso Soberano bilang KDR Icon of Music and Philanthrophy at ang OPM pillar na si Louie Ocampo bilang KDR Icon of Musical Excellence. Ang buong 7th Wish Music Awards ay ipapalabas sa mga online platform nito sa February 6.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!