Nadine Lustre nagtransform bilang sirena para sa Mega Anniversary!! A dream come true!!

Lunes, Pebrero 21, 2022

/ by Lovely

Head turner ang aktres-singer na si Nadine Lustre matapos mag-transform bilang isang mermaid para sa 30th anniversary ng Mega Magazine.Sa Instagram, hinangaan ng mga netizens ang mga litrato ni Nadine na ayon sa aktres ay dream come true.

Samantala, sa isang hiwalay na post, tinawag ng Mega si Lustre na "a sartorial siren" sa kanyang layout para sa magazine na nag-highlight sa koneksyon sa pagitan ng kanyang sustainable choices at fashion.

“With the help of stylist and friend, #LynAlmuno, the two were able to dive deeper in the relationship between #sustainable choices and fashion,” pahayag ng magazine.

 

Nagsuot din si Lustre ng mga naka-archive na piraso ng kilalang Pinoy designer na si Rajo Laurel at iba pang mga upcoming local designers na gumagamit ng mga tela.

Noong Miyerkules, nag-trending si Lustre sa social media matapos na tuluyang ipalabas ang official teaser ng kanyang comeback movie na “Greed”. Ang maikling clip ay nagpapakita ng serye ng mga matitinding eksena na nagtatampok kay Lustre at mga co-star na sina Diego Loyzaga at Epy Quizon.


Mukhang excited ang maraming netizens sa comeback film ng aktres, na idinirek ni Yam Laranas. Inaasahang lalabas ang pelikula sa VivaMax bagama't hindi pa inaanunsyo ang petsa ng pagpapalabas nito.

Watch Full Video Here:


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo