Nadine Lustre, proud na ibinandera ang boyfriend na si Christophe Bariou

Martes, Pebrero 15, 2022

/ by Lovely

Nadine Lustre, proud na ibinandera ang boyfriend na si Christophe Bariou. Sa wakas ay ibinahagi ng aktres-singer na si Nadine Lustre ang isang larawan niya kasama si Christophe Bariou, kasunod ang kumpirmasyon ng kanilang rumored romance. Ibinahagi ni Lustre ang polaroid snaps sa kanyang Instagram page noong Miyerkules. Makikita rito ang romantikong ngiti nila sa isa't-isa habang hawak-hawak ang isang glass ng champagne.

Mga emoji ng magic hat at wand, ito ang caption ni Lustre sa post.

Si Nadine at Bariou ay unang napabalitang magjowa noong kalagitnaan ng 2021, nang sikretong makunan ng larawan ang dalawa. Si Bariou ay isang may-ari ng resort sa Siargao, kung saan nakatira si Lustre sa kasalukuyan.


Sa huling quarter ng 2021, lalong naging bukas si Lustre tungkol kay Bariou. Kadalasan nya itong pinapakita sa kanyang Instagram Stories. Si Bariou naman, sa kabilang banda, ay unang nagpahayag ng kanilang relasyon sa publiko noong Disyembre, nang ibahagi niya sa kanyang Facebook page ang mga larawan na nagsasagawa ng relief drive, na pinamunuan nila para sa mga biktima ni Odette sa Siargao.


Watch Full Video Here:


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo