“Yun palang pinatino ang PNP, nilabanan ang korapsyon sa pera ng bayan at 18 taon na maraming mahalagang batas na inakda ay walang ginawa! Aba, bago yun ah,” tweet ni Sotto.
Sa comments section, nilinaw ng isang netizen na sinasabi lamang ni Robredo na kulang sa aksyon si Lacson, hindi ang wala siyang ginawa.
Si Tito Sotto, na ang buong pangalan ay Vicente Sotto III, ang kasalukuyang senate president sa Pilipinas. Sumikat siya bilang co-host ng “Eat Bulaga,” kasama ang kanyang kapatid na si Vic Sotto at komedyante na si Joey de Leon. Ang kanyang asawa ay ang aktres na si Helen Gamboa at mayroon silang apat na anak: sina Romina, Diorella Maria, Gian Carlo at Ciara. Si Tito Sotto ay tumatakbo pagka-bise presidente sa 2022 Elections.
Nag-react si Joey de Leon sa tsismis na hindi niya sinusuportahan si Tito Sotto sa pagka-bise presidente. Tuluyan nang pinabulaanan ng “Eat Bulaga” host ang tsismis at tinawag itong fake news. Nilinaw niya na buo ang suporta niya kay Tito, sa kanyang pagnanais na maging susunod na bise presidente ng Pilipinas. Ganun din, sinabi ni Joey na nanatili silang magkaibigan at tapat sa isa't isa ni Tito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!