Nagpakita ng pagsuporta si Alex Gonzaga sa kanyang kapatid na si Toni sa pagresign nito bilang host sa PBB!!

Lunes, Pebrero 21, 2022

/ by Lovely


Kamakailan ay nagpakita ng suporta si Alex Gonzaga para sa kanyang kapatid na si Toni Gonzaga, pagkatapos ng trending announcement ng huli. Noong Miyerkules, ibinahagi ni Toni sa social media ang pagbaba niya sa pwesto bilang pangunahing host ng “Pinoy Big Brother”. Ipauubaya na rin daw niya ang ang mga duties kay Bianca Gonzalez at sa iba pang hosts.
Agad na nakakuha ng komento mula kay Alex ang post ni Toni. Pinuri ni Alex ang kanyang Ate at sinabing walang kapantay ang galing ni Toni sa pagho-host.


“You’re a queen forever! nobody does it like you do sissszzz”
Sa Instagram Stories, ibinahagi ni Alex ang viral post ni Toni. Mapapansin din na nilagyan ni Alex ng sticker ng korona ang larawan ng kanyang kapatid.


Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, na kilala bilang Toni Gonzaga, ay isang mang-aawit, personalidad sa telebisyon, artista, at host ng talk show. Isa na rin siyang YouTube vlogger na may mahigit 4.4 milyong subscriber. 
Ikinasal siya sa kanyang longtime boyfriend, ang direktor na si Paul Soriano noong June 12, 2015.

Naglabas ng pahayag ang “Pinoy Big Brother” management tungkol kay Toni Gonzaga na kaka-resign lang bilang main host ng reality show. Ipinahayag ng PBB management na nirerespeto nila ang desisyon ni Toni. Nagpahayag din ng pasasalamat sa TV host, na naging bahagi ng palabas sa loob ng 16 na taon.



Watch Full Video Here:

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo