Kamakailan ay ipinagtanggol ni Cristy Fermin si Nadine Lustre sa mga bashers nito. Ito ay matapos na aminin ni Nadine, sa isang vlog na ibinahagi ni Aivee Teo, na iniiwasan niyang magsuot ng mga colored na damit dahil sa kanyang sobrang pagpapawis sa kili-kili.
Sa latest episode ng Cristy Ferminute, sinabi ni Nanay Cristy na narinig niya ang ilang supporters ni James Reid na nagbigay ng unsolicited remarks tungkol kay Nadine. Ayon sa veteran columnist sa showbiz, ilang detractors ang nagsabi na marahil ay nagdesisyon si James na makipaghiwalay kay Nadine dahil sa sobrang pagpapawis sa kilikili ng aktres.
“May mga mahadera naman na mga tagahanga ni James Reid. Binato agad ng paninisi si Nadine. 'Siguro 'yang pamamawis ng kilikili mo ang dahilan kung ba't ka iniwan ni James Reid.' Ganu'n, e ilang taon sila, ilang taon sila naging magkarelasyon. Ibig bang sabihin, hindi agad-agad nakita ni James Reid namamasa-masa ang kilikili ni Nadine? Magpigil naman 'yang mga 'yan, 'di ba?”dagdag pa niya.
“Kapag mahal mo ang tao, kahit nagpuputik pa ang kilikili, go lang nang go. Ano 'to, nang dahil lang sa pamamasa ng kilikili, isusuko mo na ang pagmamahal mo? Bakit, hindi ba puso ang nagdidikta ng pagmamahal? Anong kinalaman ng kilikili? 'Di ba? Kaya 'wag niyo pong lait-laitin si Nadine, nasa tama po siya."
Sa nakaraang ulat , inamin ni Nadine ang pag-iwas sa pagsusuot ng mga colored na damit dahil sa sobrang pagpapawis nito sa kili-kili. Ginawa ng aktres ang pag-amin noong bakasyon sa kanyang huling pagbisita sa "Aivee Day" para sa 2021. Matapang niyang ibinunyag na ang labis na pagpapawis sa kanyang kilikili ay maaaring mag-iwan ng mga nakikitang mantsa sa may kulay na damit. Sinabi ni Nadine na isa ito sa mga dahilan kung bakit pinili niyang magpagamot kay Dr. Aivee.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!