Ipinakita ni Luis Manzano sa Instagram ang physique ng asawang aktres na si Jessy Mendiola. Bagama't nakatanggap ng maraming positibong komento mula sa mga netizen ang post, isang netizen ang nagdesisyon na i-bash si Jessy. Sa kanyang komento, binati ng netizen si Jessy at sinabing maganda ang naging “surgery” nito. Sumagot tuloy si Luis sa basher, na ipinunto na mali ang spelling nito sa post niya tungkol kay Jessy. Kilala si Luis na nakikipag-word war sa mga bashers ng kanyang mga mahal sa buhay.
"Congratulations your surgery trun out great,” komento ng basher.
Nagtatrabaho si Luis Manzano sa Kapamilya network bilang aktor at host. Sina Vilma Santos at Edu Manzano, parehong showbiz icon, ang kanyang mga magulang. Siya ay isang kilalang host sa mga programa sa TV tulad ng Pilipinas Got Talent, Minute to Win It at I Can See Your Voice. Kasal siya sa aktres na si Jessy Mendiola. Naka-date din niya noon ang mga aktres na sina Angel Locsin at Jennylyn Mercado.
Isang magandang larawan ang ibinahagi ni Jessy Mendiola sa Instagram, na mabilis na nag-viral. Si Luis Manzano, ang kanyang asawa, ay nagkomento sa kanyang post.
Bukod sa Kapamilya TV host, ang post ni Jessy ay umani ng papuri mula sa ilang celebrities. Nagkamit din ng libu-libong likes ang larawan ng kaibig-ibig na aktres.
May post si Luis sa kanyang Instagram account tungkol sa isang something spectacular. Tungkol ito sa mga babaeng espesyal sa kanyang buhay, kapansin-pansin ang kanyang asawang si Jessy Mendiola at ang kanyang ina na si Vilma Santos. Ibinahagi rin niya ang larawan kasama sila at pati na rin ang kanyang malapit na kaibigan na si Alex Gonzaga. Higit pa rito, cri-nopped ng Kapamilya TV host ang mukha ni Alex sa nasabing larawan, na nag-udyok ng nakakatawang reaksyon mula sa vlogger.
Watch Full Video Here:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!