Pinatawa ni Piolo Pascual ang mga netizens sa kanyang cute post sa kanyang Instagram account. It's a photo of him with Alodia Gosiengfiao, who previously made headlines because of her intriguing "ako nga pala yung sinayang mo" Facebook post. Matatandaang nag-post din ang ex-beau ni Alodia na si Wil Dasovich na may kaugnayan dito, na naging viral.
Higit pa rito, nakatawag din ng pansin ng mga netizens ang caption ni Piolo sa kanyang post.
"Ako na lang mag sampay at mag saing para walang masayang. #NakikiusoLang,"caption niya.
Si Piolo Pascual ay lumabas sa mga TV shows tulad ng Gimik at Mara Clara noong early 90s. Sumikat siya matapos na ipares kay Judy Ann Santos, kung saan naging usap-usapan ang kanilang love team noong early 2000s. Apat na multi-awarded na pelikula ang ginawa nila noong panahong iyon — Till There Was You, Kahit Isang Saglit, Don't Give Up on Us, at Bakit Di Totohanin.
Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang isang post sa Twitter tungkol sa kaarawan ni Piolo Pascual. Sumulat ang TV personality ng isang nakakatawa ngunit taos-pusong mensahe para sa kaarawan ng aktor. Nagpasalamat si Alex kay Piolo sa pagpapakilala sa kanya kay Mikee Morada, ang kanyang asawa.
Ginulat ni Piolo ang kanyang ina na nakatira sa California. Ipinagdiwang ng kanyang ina ang kanyang ika-75 na kaarawan at siniguro ng aktor na naroon siya para magdiwang kasama nito. Lumipad siya sa U.S. at dinalhan ang kanyang ina ng isang magandang bulaklak. Nakunan ito ng video at kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ng kanyang ina.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!