Bago pa man tanggapin ang papel bilang kabit sa bagong drama series na The Broken Marriage Vow, sinabi ng aktres na si Sue Ramirez na hindi niya itinuturing na masamang tao ang kanyang karakter.
“Actually hindi ko nga ma-consider na kontrabida role ito eh. Ayokong i-consider na kontrabida si Lexy. Kasi ganun [ko] kakilala yung character. Alam ko yung heart, alam ko yung mind, alam ko na hindi siya masamang tao. Kailangan hindi ka mag-judge pag tumatanggap ka ng ganito so maraming salamat sa chance Dreamscape at sa ABS-CBN at sa mga bosses ko. Wala akong pagdududa sa paggawa ng project na ito. I’m really grateful,”sabi niya.
Kahit na mas malalim ang pagkakaintindi niya sa mga mistresses dahil sa show, sinabi ni Sue na hindi ibig sabihin nito ay kinukunsinti niya ang ginagawa nila ngayon.
“Personally, as myself, ang mali ay mali. At alam natin yun. I really cannot say so much because I really don’t have the experience for it. Pero bilang sa sarili ko, alam ko yung tama sa mali. And when it’s time to turn your back on something is wrong, then you have to do it. Because there’s no right way to do something wrong. Ipagtatanggol ko talaga si Lexy kasi there are other women who are also victims. Hindi naman sila lahat masama dito, you have to understand where they are coming from, why they do the things that they do. Dapat maunawaan nila na I think Lexy is also a victim. Victim of flowery words, of broken promises. Nakita ko talaga na victim si Lexy dito. Madami siyang maling choices. Pero naiintindihan ko yung mga choices niya kasi nga may factors,”paliwanag niya.
Sa kamakailang media conference para sa palabas, mas napag-usapan ni Sue ang tungkol sa kanyang pinakabagong karakter.
“Si Lexy Lucero ay isang babae na nagmahal at hindi niya inaasahan na magiging ganung yung takbo ng mga pangyayari sa buhay niya pagkatapos niya magmahal. Idealistic siya. Yoga instructor ako dito from a mayaman na pamilya. Very spoiled. Hindi naman spoiled na brat pero she gets what she wants because nasa tama naman talaga siyang pag-iisip. But you know people get stupid when they fall in love and maybe wala siyang nagawa. Nag-try siya iwasan pero andiyan eh, lumalapit ng lumalapit na hindi na niya rin napigil ang sarili niya. Lagi siyang looking forward sa mga puwede niya pang gawin. Medyo may bad side din yun kasi feeling niya lahat ng bagay kaya niyang gawin at kaya niyang kunin. Ipaglalaban niya talaga yung alam niyang para sa kanya. Dahil yoga instructor siya, siya ay very zen. Kalmado lang siya palagi. Kalmado siya maglakad. Kalmado siya magsalita. Kalmado lang siya sa lahat ng pagkakataon. Bihirang bihira ma-pu-push ang buttons ni Lexy,”pagbabahagi niya.
Inaasahan ang gigil na reaksyon ng mga manonood sa kanyang papel bilang isang home wrecker, nagbigay si Sue ng maagang mensahe para sa mga magagalit kay Lexy.
“Nakupo. Sa totoong buhay hindi ako natatakot na ma-bash kung ang basehan naman ay character. The more na ma-ba-bash ako, the more na magpapasalamat ako sa mga tao kasi at least na-appreciate nila yung ginawa ko sa character. And alam na siguro ng mga tao yan. Alam ko naman na pag bina-bash nila ako ang bina-bash nila si Lexy pero hindi si Sue. Nananawagan ako sa lahat, kalma lang po tayo. May pandemic ngayon (laughs). Huwag masyado manggigil sa akin. Pero okay lang sa akin. Tatanggapin ko lahat. Hindi ako para pigilan sila sa mga nararamdaman nila at gigil nila sa mga character na gagampanan namin sa The Broken Marriage Vow. Sasali pa ako mang-bash (laughs),” sabi niya.
Ang serye ng ABS-CBN ay ang Philippine adaptation ng hit na serye sa BBC na Doctor Foster at unang ipapalabas sa iWantTFC app (iOs at Android) at sa iwanttfc.com sa Enero 22, dalawang araw bago ang TV broadcast nito. Panoorin din ito sa January 24 at 8:40 pm sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at TFC.
Watch Full Video Here:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!