Itinanggi ng aktres-host na si Kris Aquino noong Lunes ang mga tsismis na siya ay nasa critical condition, sa gitna ng kanyang pakikipaglaban sa kanyang autoimmune condition. Ibinahagi ni Aquino ang isang larawan na kuha ng kanyang anak na si Bimby noong Linggo, na nagpapakita ng virtual novena mass para sa pinsan niya na si Marla, na pumanaw noong January 21.
In the photo captions, Aquino addressed speculation about her health,
“It’s been disturbing that since Friday so many have been spreading fake news about me being either in St Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that I’m in the ICU and in critical condition. None of that is true.”
“Ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited yung mga trolls na within 1 year both Noy & me would pass away,” sabi niya.
Ang tinutukoy ni Aquino ay ang kanyang kapatid, ang yumaong dating Pangulong Benigno Aquino III, na pumanaw noong June 2021.
“Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because Kuya Josh & Bimb still need me,”caption niya.
Pagkatapos ay nagpahayag siya ng pasasalamat sa "mga real friends na gumawa ng kani-kanilang paraan to keep in touch pinadalhan siya ng pagkain, prutas, bulaklak, balloon at iba pa.
Idinagdag ni Aquino na "marami pa siyang gustong sabihin," nang hindi binanggit kung ito ay tumutukoy sa kanyang break up kay Mel Sarmiento o tungkol sa pulitika. Hindi muna niya sinabi dahil oras na para sa kanyang gamot,
"Good night but definitely it’s not yet goodbye,” sabi niya.
Watch Full Video Here:
Hello, Kris.
TumugonBurahin