Si Paul Soriano ay kamakailan ay nagpost sa social media upang batiin ang kanyang asawang si Toni Gonzaga. Ito, matapos na umabot sa 5 million subscribers ang 38-year-old actress at TV host na Toni Gonzaga Studio YouTube channel, kung saan ipinapalabas ang kanyang online talk show na “Toni Talks”. Biyernes, February 11, ibinahagi ng page ng Toni Talks sa mga social media followers nito ang nasabing milestone. Nag-post ito ng art card na may mga text na: “THANK YOU” “We have reached 5 million subscribers.” “Grateful for your support. Thank you!”
Samantala, ibinahagi ni Paul ang post sa kanyang Instagram Stories kasama ang kanyang congratulatory message kay Toni at sa kanyang team.
Si Toni Gonzaga ay isang sikat na artista, host ng telebisyon, at YouTube star sa Pilipinas. Ikinasal siya sa direktor na si Paul Soriano noong June 12, 2015 sa Taytay, Rizal. Ipinanganak noon ni Toni ang kanilang panganay na si Severiano Elliott noong September 30, 2016. Sa kanilang kasal, isa sa kanilang mga ninong si dating senador Bongbong Marcos.
Nauna rito, naglabas ng pahayag ang “Pinoy Big Brother” management tungkol kay Toni Gonzaga na kakabit lang sa pwesto bilang pangunahing host ng reality show. Ipinahayag ng PBB management na nirerespeto nito ang desisyon ni Toni. Nagpahayag din ito ng pasasalamat sa TV host, na naging bahagi ng palabas sa loob ng 16 na taon.
Watch Full Video Here:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!