"10 ARTISTA NA MAY BAD ATTITUDE "

Miyerkules, Marso 2, 2022

/ by Lovely

10 artista na may bad attitude.

    10. Marian Rivera Dantes



Ang GMA7 primetime queen ay lumabas sa artikulo ng inquirer bandira kung saan inirereklamo siya ng mga kasama niya sa set ng supermom. Ayon sa artikulo kapag wala sa mood ang actress ay bigla na lamang itong magpapack-up sa taping. Kung ano man ang dahilan ay bigla bigla itong magpapack-up at tila hindi niya iniisip na ginagastosan ng malaki ang kanyang taping.
Ayun pa sa artikulo ay hindi nagbago si Marian dahil ang work etiquette nito ay matagal ng inirereklamo sakanila. Ipinagtanggol naman si Marian ng kanyang asawang si Dingdong Dantes.

    9. Alice Dixson


Si Alice na mismo ang umamin na siya ay primadonna at unprofessional noong kabataan niya. Matatandaan na noong kabataan ni Alice Dixson ay nagkasama sila ni Dina Bonnevie sa isang taping at nag-away itong dalawa dahil ayaw ng isa't isa sa set.

Inamin panga ni Alice Dixson kamakailan lang sa interview niya sa tonight with Boy Abonda na napaka-unprofessional daw niya noong kabataan. Kaya she lost a lot of her work, ngunit tila nadala pa din ni Alice ang ganitong pag-uugali sa kanyang comeback serye sa ABS-CBN na "Ngayon at Kailanman".
Ayun sa artikulo ay may problema ang mga staff sa attitude ni Alice, marami umano ang hindi natuwa sa kinilos niya sa set ng serye, gayunpaman ang actress ay nanatiling icon for ageless beauty.

    8. Erich Gonzales


Si Erich ang original cast sa Love Thy Woman ngunit siya ay nagresign. Lumabas sa pahayagan na feeling superstar na daw itong actress at balak daw baguhin ang script ng serye. Over acting na daw at feeling diva si Erich. Kaya nga walang nalungkot nung siya ay nagresign dahil umpisa pa lamang ng taping ay nagmamaldita na ito sa script.

Hindi na umano pinilit si Erich dahil tuwing may taping naman pinaghihintay nito ang mga veteran stars na kasama nila.
Tuwing call time daw ng 7am ay dumarating ito ng 9:30 a.m at minsan ay nananalangin pa itong umulan para maudlot ang taping. Bukod pa roon, ay gusto niyang solo lang siya sa tent. Si Yam Concepcion naman ang pumalit sa role ni Erich sa Love Thy Woman. At bukas naman ang pahayagan nila para magpaliwanag si Erich ngunit nanatili itong tahimik.

    7. Cristine Reyes


Si Cristine Reyes na mismo ang umamin na siya ay binansagang walkout queen sa mga interviews nito at presscon, ito ay dala ng kanyang immaturity. Sinabi ng actress na siya ay mabilis na madala ng kanyang emosyon kaya siya ay nakakagawa ng mga bagay na hindi niya napag-iisipan.
Naging mainit din noon ang biglaang paglisan ni Miss Vivian Velez sa teleserye na Tubig at Langis dahil sa rude attitude ni Cristine Reyes. Nagpaliwanag na si Cristine Reyes at sinabing misunderstanding lamang ang nangyaring engkwentro sa taping.

    6. Xian Lim


Nagsisimula pa lamang ang actor ay sari-sari na ang akusasyon na unprofessional ito.

Isa sa pinaka controversial na issue ay noong siya ay nagguest sa Fiestang Chinoy Albay. Dito sinabi ni Governor Jose Salceda na walang kapatawaran ang ginawang pang-iinsulto at panghihiya ni Xian Lim sa mga staff ng Albay, ayun sa Governor ay nasayang lamang ang 350 thousand na binayad sa actor dahil nadismaya lamang ang mga taga-Albay dito.

    5. Maricel Soriano


Si Maricel Soriano ang original cast bilang ina ni Gerald Anderson sa serye na "Bukas Nalang Kita Mamahalin" ngunit unang araw palamang ng kanilang taping ay hindi na niya ma-control ang kanyang galit nang may makalimutang linya si Gerald. Nagsisigaw ang diamond star sa set dahilan upang mapahiya at umiyak ang kapamilya actor. Matapos nito ay nagwalkout na si Marya at pinanindigan ng ABS-CBN na professional si Gerald. Sinabi rin ng kapamilya network at mga kaibigan ni Maricel na mas mainam sa diamond star kung siya ay sasailalim sa anger management session.

    4.&3. James Reid at Nadine Lustre



Nagpahayag ng pagkadismaya ang concert producer nang Always JaDine US Tour 2017. Ayon sa concert producer na si Elaine Crisostomo, sa dinami-rami ng nakatrabaho niyang artist abroad ay ngayon lang siya nakaranas ng kakaibang pagtrato ng attitude problem ng Jadine. Pagdating pa lang daw ng love team sa hotel nakita niya si James, sinabihan niya ito na may pagkain sa conference room kung siya ay nagugutom ngunit dinedma lamang ni James ang kanyang sinabi at diretsong lumakad paalis.

Si Nadine naman daw ay halos hindi malapitan kaya ang sabi ng concert producer may attitude talaga sila. Kasama noon ng loveteam ang dance group na Gforce kung saan ang mga miyembro nito ay nagpakita ng respeto sa concert producer. Kaya naman nasabi sa ibang artikulo na masiyadong mapagmataas ang JaDine dahil ultimo ang concert producer ay kaya nilang deadmahin at hindi pasalamatan.

    2. Alex Gonzaga



Lumabas ang issue noon na siya ay natanggal sa dalawang programa dahil sa kanayang attitude problem. Hindi umano makasundo ng staff sa The Voice Kids at Inday Bote si Alex Gonzaga. Nang siya ay tanungin tungkol dito sinabi niya na ayaw niya nalang depensahan ang kanyang sarili dahil lalabas lamang na siya ay nagiging defensive at hindi na niya kailangang magpaliwanag pa. Maging sa social media ay tinatanong siya ng mga fans kung bakit ito na iissue na my bad attitude.

    1. Coco Martin



Napabalita noon na dalawang direktor na ang umalis sa Ang Probinsiyano nang dahil kay Coco Martin. Hindi umano makasundo ni Coco Martin ang dalawang direktor. Palagi daw kumukontra si Coco sa mga fight scenes. Hindi daw nagugustuhan ni Cardo Dalisay ang nagaganap sa set ay bigla nalang daw itong aalis. Bukod pa rito ay pinagmumulta niya ng sampong libo ang mga kasamahan niya sa shooting kapag sila ay may nagagawang violations. Ito ay dala ng kanyang pagiging striktong direktor, bawal malate kahit 5 minutes lang. Kapag late ay mapepenalty at papakainin ang buong set.
Ito ay dahil seryoso ang actor director sa kanayang trabaho at hindi daw pwede ang laro-laro lang. Napabalita pa noon na si Coco Martin ay nambubuhos ng tubig sa mga staff ng Ang Probinsiyano at nananakit pa umano ang actor. Nag-aabot na lamang ng pera sa mga taong nasasaktan nito.
Pinabulaanan naman ito ng kampo ni Coco Martin at sinabi na walang katotohanan ang lahat ng mga akusasyon kay Coco Martin.

Watch Full Video:


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo