10 Artistang Nakapag-Asawa ng Bilyonaryo? | 10 Richest Husband of Filipina Celebrity

Huwebes, Marso 3, 2022

/ by Lovely


10 artistang nakapag-asawa ng bilyonaryo.

    10. Bangs Garcia-Birchmore


Si Valerie Garcia ay ang dating in-demand actress na sumikat sa kanyang mga pelikula at teleserye gaya ng, "Habang May Buhay" at "Shake Rattle & Roll". Na-engage ito sa kanyang Filipino British, businessman husband na si Lloyd Birchmore noong January 2016 sa Boracay. Dahil sa mayaman ang napangasawa ni Bangs, tatlong beses pa silang nagpakasal. Una silang kinasal sa isang civil wedding sa London noong September 2016. Nagpakasal naman sila ulit sa isang church wedding sa Boracay noong January 2017 at nagpakasal ulit kinabukasan sa isang beach wedding sa may Boracay din kung saan sila unang na engage. Si Lloyd ay isang property developer businessman at talagang mayaman dahil niregalohan lang naman niya si Bangs ng brand new BMW sports car na nagkakahalaga ng 4 Million.

    9. Nina Jose - Quiambao


Si Mary Claire Nina Jose Quiambao ay isang Filipino actress at nagsimulang makilala nang sumali ito sa isang sikat na reality show na Pinoy Big Brother noong 2006. Ang dating PBB housemate ay dalawang beses kinasal sa isang bilyonaryong mayor ng Bayambang Pangasinan na si Mayor Cezar Quiambao noong 2017. Unang silang kinasal sa civil ceremony noong January 2017 at ikinasal muli sa pamamagitan ng isang engrandeng church wedding noong November 2017. Halos doble ang agwat ng edad ni Nina sa kanyang napangasawa, pero ayon na din sa alkalde ay wala namang problema sa edad. 

Si Mayor Quiambao ay isang bilyonaryong Filipino politician na kilalang tao sa Pangasinan at businessman, na nagmamay-ari ng Stradcom Corp. Isa sa pinakamalaking IT company sa bansa at ang exclusive hi-tech provider ng Land Transformation Office  (LTO).

    8. Kaye Abad Castillo


Si Katherine Grace ay isang Filipina American actress na nagsimula bilang isang member ng ABS-CBN star magic. Ang relasyon ni Kaye at Paul Jake Castillo ay nagsimula muna bilang isang mabuting magkaibigan. Noong 2010 nang una silang magkasama sa isang palabas na Precious Hearts Romances presents Alina. Nagtuloy-tuloy ang kanilang mabuting pagkakaibigan hangga't sa magkadevelopan na at na-engage noong May 2017. Nagpropose si Jake sa mismong araw nang 34th birthday ni Kaye. Sila ay ikinasal sa Cebu noong December 2016.

Si Paul Jake ay ipinanganak at lumaki sa isang mayaman at kilalang pamilya sa Cebu. Ang pamilya ni Paul Jake ang may-ari ng ilan sa mga kilalang kompanya sa bansa gaya ng Bioderm, Efficascent Oil at Casino Alcohol. Kahit lumaki sa isang mayamang pamilya si Paul Jake ay hindi ito umasa sa kanyang mga magulang bagkos ito ay nagsumikap at nakapagpatayo ng kanyang sariling negosyo na lechonan. Isa sa pinakasikat sa Cebu, ang Yubub Lechon De Cebu.

7. Dawn Zulueta-Lagdameo


Si Marie Rachel Salman Taleon - Lagdameo o mas kilala sa screen name na Dawn Zulueta ay isang Filipina actress, TV host at commercial model. Si Dawn ay ikinasal kay Anton Floirendo Lagdameo Jr. noong 1997.

Si Anton ay isang mayamang Filipino politician and businessman kung saan naka-3 term ito bilang kongresista ng Davao del Norte. Si Anton din ay miyembro ng mayamang angkan ng mga Floirendo sa Southern Mindanao. Siya din ang apo ng tinaguriang banana king na si Antonio Floirendo Sr. dahil sa 6 thousand na ektarya nito na banana plantation sa Davao del Norte.

    6. Julia Clarete-Mcgeown


Siya ay isang Filipina singer, actress and TV host. Kung saan naging TV host din siya sa sikat na noontime show na Eat Bulaga. Nakilala naman ni Julia ang kanyang napangasawa na si Gareth Mcgeown sa isang golfing event noong 2011. Si Gareth Mcgeown ay isang kilalang mayamang Irish National na CEO at President ng Coca-Cola Philippines, Singapore, Brunei at Malaysia. Ikinasal si Julia at Gareth matapos ang 6 na taong relasyon sa isang private wedding sa bansang Ireland noong July 2017.

5. Beauty Gonzales- Crisologo


Si Beauty Gonzales Crisologo ay isang Spanish Filipina actress na nagsimulang makilala nang sumali at manalo ng 4th place sa Pinoy Big Brother.

Si Beauty ay napangasawa ang businessman na si Norman Crisologo sa isang magarbong guardian wedding sa Tagaytay. Si Beauty at Norman ay may 15 years age gap. Si Norman ay isang mayamang businessman at isa ring art creator ng mga mamahaling painting at art collection. Ayon kay Norman noong makita niya ng first time si Beauty sa isang cover ng magazine ay na love at first sight siya. Kinontak niya agad ang kanyang malapit na kaibigan sa showbiz na si Ellen Adarna para makilala niya sa personal si Beauty.

    4. Pauleen Luna - Sotto


Si Marie Pauleen Jimenez Luna Sotto aka Pauleen Luna ay isang Filipina actress and TV host ng kilalang noontime show na Eat Bulaga. Isa sa mga inabangan na kasalan ng taon, ang relasyong Pauleen and Vic Sotto. Simula nung kumpirmahin ng batikang Eat Bulaga host ang kanilang engagement noong September 2015. Ikinasal sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa isang engranding church wedding sa may Alabang noong 2016. Si Bossing Vic ang tinaguriang 'Prince of Comedy' at isa sa mga main host ng longest running noontime show sa bansa ang Eat Bulaga. Kaya naman kabilang siya sa mga pinakamayamang artista sa bansa. 

Si Vic at Pauleen ay may age gap na 35 years sa isa't isa. Gayunpaman ay nanatiling matatag sa isa't isa ang kanilang relasyon.

    3. Krista Ranillo Lim


Si Cristalle Lauren Tupaz Ranillo Lim ay isang dating sexy actress na galing sa isang showbiz family kung saan anak ito ng kilalang actor na si Matt Ranillo III. Pinakasalan naman ni Krista ang kanyang childhood sweetheart na si Nino Jefferson Lim noong 2010. Sila ay ikinasal sa isang Jewish wedding ceremony sa hotel Maya na matatagpuan sa Long Beach California ng America. 

Si Jefferson Nino Lim ay isang mayamang Filipino American businessman. Ito ay ang founder at CEO ng isang kilalang supermarket king sa America. Ang Island Pacific Supermarket ay mayroong humigit kumulang 16 branches sa America. Sa kasalukuyan ay may limang anak sila Krista at Nino at masayang naninirahan sa America.

    2. Gretchen Barretto


Si Gretchen Barretto ay isa sa pinakasikat at pinakamagandang artista noong kapanahonan niya. Kaya naman, madami itong manliligaw. Isa dito ay ang bilyonaryong si Antonio "Tonyboy" Cojuangco. Ang relasyon ni Gretchen at Tonyboy ay sinapubliko noong 1995. Si Toni ay may 19 years age gap kay Gretchen. Sa kabila nito ay nanatiling matatag ang kanilang relasyon na sa ngayon ay may 26 na taon na silang nagsasama bilang mag-asawa. Sa kabila nito ay di pa pwedi na magpakasal si Tony kay Gretchen dahil hindi pa din na annul ang kasal nito sa kanyang naunang asawa.

Si Tonyboy ay isang bilyonaryong businessman na kilalang galing sa isa sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihang angkan ng mga Cojuangco sa bansa. Siya din ay isang dating chairman at CEO ng ilan sa mga malalaking kompanya sa bansa gaya ng "PLDT" at  "AIR ASIA". Kasalukuyang local partner ng isa sa pinakasikat na hotel and casino sa bansa, ang Okada.

    1. Assunta De Rossi - Ledesma 


Isang Filipina Italian actress, isa sa mga gumulantang sa taong bayan at pinag-usapang kasalan ng taon ang kasalang Assunta De Rossi sa isang mayamang businessman at politician. Ikinasal si Assunta De Rossi na noo'y 19 years old lamang kay dating Negros Occidental Congressman Jules Ledesma na isang biyudo at noo'y 41 years old noong Marso 2004. Kung saan niregalohan at pinasuot pa ito ng kwentas na may 400 na diamonds.

Si Jules ay galing sa kilala at mayamang pamilya ng mga Ledesma Clan sa Negros Occidental kung saan nagmamay-ari sila ng madaming lupain at isa ding kilalang kompanya sa pag-gawa ng asukal.

Kaya naman hindi kataka-taka na si Assunta at Jules ay nagmamay-ari din ng mga mamahaling luxury cars gaya ng Bentley, Maserati, Ferrari at iba pa. Bukod sa pagiging bilyonaro ay kilalang mapagkawang gawa din si Jules kung saan base nadin sa mga report ay estimated o humigit kumulang ₱2 billion ang napamahagi nito sa mga charity. 

Watch Full Video Here:


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo