10 Pinakamayamang artista sa Pilipinas.
10. Bong Revilla
Si Bong Revilla ay isang senador ng ating bansa. Nagsimula siyang maging senador noong 2004 pero noong 70s at 80s siya ay isang actor na nagbida ng mga pelikulang tumatak sa bawat pilipino tulad ng "Ang Panday", "Alyas Pogi" at "Buhay Mo'y Buhay Ko Rin". Nagkaroon din siya ng ilang pelikula at teleserye sa GMA. Sinasabing naitalang ₱120 milllion ang kinita ni Bong Revilla sa lahat ng mga ito.
9. Coco Martin
Si Coco Martin ang ika-siyam sa pinakamayamang artista sa taong 2020. Nagtapos ng Hotel and Management sa National College of Business and Arts. Nang grumaduate ay nagtrabaho sa Canada bilang OFW ngunit bumalik din sa Pilipinas at sumabak sa showbiz. Isa na siyang actor, director at film producer. Nakilala sa pagganap sa pelikula at teleseryeng pinagbidahan niya tulad nang "Walang hanggan", "Ikaw Lamang", "Juan Dela Cruz" at "FPJ's Ang Probinsyano". Hanggang ngayon ay kumikita parin siya sa "Ang Probinsyano", na nagsimula sa taong 2015. Siya ang pangunahing actor at director nito. Dahil sa tagumpay ng kanyang mga teleserye siya na ngayon ang tinaguriang king of the Philippine television. Ang naitalang halaga ng ari-arian ni Coco Martin ay sinasabing nasa ₱150 million.
8. Vice Ganda
Ang It's Showtime host na si Vice Ganda ay nagsimula bilang stand up comedian na ngayon ay isa nang noontime show host, recording artist, fashion icon at box office king. Napakarami ng kayang gawin ni Vice kaya naman hindi nakakagulat na nasa listahan siya ng mga mayayamang artista sa bansa. Ilan sa mga sikat na pinagbidahan ng actor ay ang "Private Benjamin", "Girl Boy Bakla Tomboy" at "Beauty and the Bestie". Ang kanyang palabas na "The Super Parental Guardians" na pinagbidahan nila ni Coco Martin ay ang pangatlo sa highest grossing film sa Pilipinas na kumita ng ₱598 million. Umabot ng ₱180 million ang kinita ni Vice Ganda sa mga ito.
7. Kris Aquino
Ang Queen of all Media na si Kris Aquino ay ang pangpito sa pinakamayamang artista sa bansa. Bukod sa pagiging miyembro ng first family sa dalawang administrasyon. Nakilala rin siya dahil sa kanyang galing sa pagho-host. Ilan sa mga palabas niya ay "Today With Kris", "Game Ka na Ba", "The Buzz", "Kris TV" at "Tonight With Boy Abunda". Nabansagan din siyang Box Office Horror Queen dahil sa pinagbidahan niyang horror movie na Feng Shui. Mayroon din siyang 25 hanggang 30 products na iniindorse. Sinasabing umabot ng ₱260 million ang kinita niya.
6. Vic Sotto
Vic Sotto o kilala bilang bossing ay isang kumedyante, song writer, singer, producer, actor at host. Nanalo siya sa titulong box office king simula sa taong 2004 - 2007. Isa rin siya sa mga host sa tinaguriang pinakamatagal nang umiere na palabas sa tanghali ang "Eat Bulaga". Ang naitalang halaga ng ari-arian ni bossing ay ₱300 million.
5. Ricky Reyes
Si Ricky Reyes o Ricardo Enriquez Reyes Jr., kilala rin sa palayaw na Mother Ricky. Ngayon ay isa na siyang businessman, philanthropist at TV host. Si Mother Ricky ay nagsimula bilang simpleng negosyante at nakapagpatayo ng kauna-unahang parlor. Ginamit niya ang kanyang perang na ipon sa pagwawalis. Dahil sa kanyang determinasyon at kagalingan sa pag-aayos, binansagan siyang Hairstylist of the Stars na dahilan ng kanyang pagsikat sa showbiz. Umabot ng ₱350 million ang kinita niya rito.
4. Vilma Santos
Ang ika-apat na mayamang artista sa Pilipinas ay si Congresswoman Vilma Santos Recto o mas kilala bilang Ate V. Bago maging pulitiko ay sikat siya sa kanyang mga pelikula at programa. Nagsimula siyang sumabak sa showbiz noong siya ay 9 na taong gulang. Kinilala siyang "Star for all Seasons" dahil sa iba't-ibang character na ginampanan niya sa iba't ibang uri ng palabas. Kilala rin siya bilang talented na recording artist, dancer, singer at host. Dahil sa rami ng naiambag niya sa film industry nakapanalo siya ng kabuuan na 107 movie awards simula noong taong 1963. Pinagbidahan niya rin ang 23 pelikula sa taong 1970. Sa kabuuan, pinagbidahan niya ang 200 pelikula at 19 na TV shows. Umabot sa ₱500 million ang kinita niya sa lahat ng ito.
Ang "WowoWin" host na si Willie Revillame na isa sa pinakasikat na host sa bansa na lumipat sa Kapuso Network pagkatapos magkaroon ng alitan sa dating pinagtatrabahuang network. Una siyang nakilala bilang sidekick ng mga bida sa pelikula tulad ni Cesar Montano sa "Kung Kaya mo Kaya ko Rin". Noong 80's ay nagsimula siyang maghost sa noontime variety show na "Lunch Date", taong 1998 naghost siya kasama ang Apo Hiking Society sa "Sang Linggo Na Po Sila", pagkatapos noon ay na dagdagan pa ng 3 noontime shows. Pinakamalaking tagumpay Niya ay ang "WowoWee" kung saan nakapagproduce siya ng sarili niyang album. Nagkaroon din siya ng tatlong variety shows sa TV5. Ngayon ay nagpapatakbo ng sarili niyang programa sa GMA network na wowowin. Isa sa pinakamalaki niyang proyekto ay ang Will Tower Mall sa Quezon City kasama ang business partner na si Manny Villar. Mahigit ₱600 million ang halagang naitala na yaman ni Willie Revillame.
Naitalang ikalawang pinakamayamang artista sa taong 2020. Nagsimulang maging artista sa taong 1978 Bukod sa dami ng mga box office movies ay nakilala rin siya sa mga kantang tumatak talaga sa bawat Pilipino tulad ng "Mr. DJ" at "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko". Naitala rin siyang Box Office Queen sa taong 1985-1987. Sa kabuuan ay pinagbidahan niya ang 53 pelikula, 10 TV shows at nagproduce ng 40 albums. Bukod pa rito ay naging endorser din siya sa iba't-ibang produkto. Umabot sa ₱1bilyon ang kinita niya sa mga ito.
1995 nang magsimula siyang sumabak sa boxing. Bukod sa pagiging boksingero at negosyante ay kilala na rin si Pacman bilang isang artista at singer. Kilala na din siya ngayon bilang isang senador.
Bawat laban ni Manny sa boxing ay nagkakahalaga ng $20 Million o ₱1 billion sa isang paper view. Kabilang umano sa mga assets ni Manny ay ang daan-daang milyong halaga na mansion. Kabilang na ang halos ₱600 milyong bahay nito sa Forbes Park at iba pang mga ari-arian at sa ngayon ang total na halaga ng yaman ni Pacquiao ay umaabot sa ₱9 bilyon.
Watch Full Video Here:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!