1. CHARICE PEMPENGCO/JAKE ZYRUS
Charice Pempengco o mas kilala na ngayon bilang Jake Zyrus, ay isang kilalang Filipino singer, song writer at music producer. Alam naman nating lahat na naging maganda ang career ni Charice sa pagkanta at sa katunayan pati mga Hollywood celebrities ay humanga sa galing nito sa pag awit. Bata pa lamang si Charice ay mahilig na itong sumali sa mga singing contest gaya ng Little Big Star na sinalihan niya noong 2005. Hindi ito pinalad na manalo bagkos ay nakuha niya ang pangatlong pwesto. Noong 2007 naman naging internet sensation si Charice nang inupload ng kanyang mga supporters ang mga performance nito sa youtube na umani ng 15 million views. Dito, nagsimulang makilala si Charice sa buong mundo at nakatanggap ng mga imbitasyon mula sa mga sikat na TV show sa ibang bansa gaya ng Ellen Degeneres Show at sa The Oprah Winfrey Show. Kung saan ito ang naging dahilan para ipakilala ni Oprah Winfrey si Charice Kay David Foster na isang sikat na music producer sa Hollywood. Dahil kay David Foster ay nabigyan ng magandang break si Charice sa kanyang international singing career na naging dahilan para kumita ito ng malaki at nakabili ng kanyang mga ari-arian. Taong 2014, nagbago ng anyo si Charice nagladlad ito bilang isang lesbian na may boyish look at nagkaroon ng maraming tattoo. Taong 2017 naman nang tuluyan niyang pinalitan ang pangalan, naging Jake zyrus. Ayon sa isang panayam sa lola ni Jake zyrus na si Lola Tess, dahil sa ginawang pagbabago ng anyo ng kanyang apo ay nawalan na ito ng mga show at ang mga ari-arian na naipundar nito ay unti-unti nang naubos.
2. JHON WAYNE SACE
Si John Wayne ay isang Filipino actor at dancer, lumaki si John sa kanyang mga lolo at lola dahil ang pamilya nito ay sa America na nakatira. Napasabak naman sa showbiz si John Wayne nang maging miyembro ito ng Star Magic Talent at nakilala ito nung mapasali sa isang dance group sa ASAP na Anime. Madami din itong nagawang movies at TV series gaya ng "Dekada 70", Spirits, May Bukas Pa at iba pa. Maganda naman ang takbo ng career ni John Wayne. Si John ay isang mabait at mapagmahal na apo. Kaya ng sa hindi niya inaasahang pagkakataon, pumanaw ang kanyang lola na nagpalaki sa kanya. Lubos niyang dinibdib at nalugmok sa lungkot. Dito na nagsimulang mag-iba ang buhay ni John Wayne. Nasangkot ang actor sa issue tungkol sa paggamit ng druga sa isang shooting incident. Dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan nito ay tumamlay ang kanyang showbiz career at unti-unting nawalan ng mga show na pinagkakakitaan. Napilitan itong pasukin ang iba't-ibang uri ng trabaho para magkapera gaya ng cake delivery boy, bantay ng internet Cafe at iba pa. Ngayon ay unti-unti nang inaayos ni John ang kanyang buhay. Hiling niya na sana'y mabigyan siyang muli ng pagkakataong makabalik sa showbiz.
3. BB. GANDANGHARI
Si Bb Gandanghari ay isang artista, model, entertainer at director. Kapatid ito ng sikat na actor na si Robin Padilla. Ang tunay na pangalan nito ay Rustom Carino Padilla. Unang pumasok si Bb. bilang isang matinee idol dahil sa angkin nitong kagwapuhan. Hindi naglaon ay sumabak naman ito bilang action star dahil na din sa impluwensiya ng sikat na kapatid nitong si Robin Padilla. Ang ilan sa mga sikat na pelikula ni Bb bilang Rustom Padilla ay ang "Bilib Ako Sayo" noong 1999 at "Yamashita: The Tiger's Treasure" noong 2001.
Taong 2006 naman nang napasama ito sa sikat na reality show na Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Dito ay ginulantang niya ang taong bayan nung umamin at maglantad na isa siyang gay sa kaibigan nitong si Keanna Reeves. Taong 2016 nang magparehistro ito sa pangalan na Bb. Gandanghari at nagpalit din ng kasarian sa pagiging babae sa Orange Country Courthouse sa California, America. Nakipagsapalaran din ito sa America para sa pangarap niyang makapasok sa Hollywood ngunit dahil sa tindi ng competition sa mga international actors ay hindi din ito pinalad. Kung noon ay laging laman ng balita si Bb. Gandanghari dahil sa ginawa nitong paglantad at pagbabago ng anyo ngayon ay hindi na alam ng publiko kung ano na ang nangyari sakanya dahil wala na din itong mga show dito sa bansa. Ayon sa kapatid nitong si Robin Padilla ay nagtatrabaho ngayon si Bb. Gandanghari bilang isang Uber driver sa America.
4. MYSTICA (Ruby Rose Manuanay Villanueva)
Sumikat at nakilala si Mystica dahil sa galing nito sa pagsasayaw at pag-arte. Tinagurian din siyang Rock Diva of the Philippines at split queen of the 90s dahil sa signature move nito na pagsplit sa kanyang pagsasayaw. Ilan sa kanyang mga pelikula ay ang "D'Uragons" noong 2002 at "Pipo" noong 2009. Naging maganda ang buhay nito dahil sa matagumpay na showbiz career. Sa kasamaang palad, tumamlay bigla ang kang career at unti-unting nawalan ng mga shows. Naubos ang mga naipundar na ari-arian at naipong pera. Nanawagan ito ngayon sa mga sikat na artista gaya ni Coco Martin para mapasama sa show nitong "Ang Probinsyano" Sa kasalukuyan, nagtitinda na lamang ito ng mga lutong ulam at pritong manok sa isang maliit na tindahan.
5. JHON REGALA
Si Jhon Regala ay isang kilalang aktor sa Pilipinas dahil sa natural na galing nito bilang kontabida sa mga pelikula. Nagsimula siya sa paextra-extra lang sa mga pelikula. Noong 1986, nabigyan ito ng break ng mapasama sa sikat na variety show na "That's Entertainment". Dito nagsimula ang kanyang career bilang kontabida sa mga sikat na pelikula tulad ng "Wanted Pamilya Banal" ni FPJ, "The Maggie De La Riva Story" ni Dawn Zulueta at "The Vizconde Massacre" ni Kris Aquino. Ngunit maraming mga palabas ang nagsulputan sa bansa kaya humina ang mga action films. Unti-unti ring humin ang ang career ni Jhon Regala hanggang sa mawalan na ito ng mga palabas. Nalulong din dati si Jhon Regala sa droga kay na rehab ito. Nais pa rin niyang makabalik sa showbiz kaya naman nanawagan ito sa isang interview para sa mga dating nakatrabaho nito sa GMA7 at ABSCBN partikular kay Coco Martin upang mabigyan ito ng pangalawang pagkakataon at mapasama sa teleserye nito.
Watch Full Video Here:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!