Marami ang nagulat sa pageksena ni Kris Aquino sa grand rally ni VP Leni sa Tarlac. Balwarte ng mga Aquino ang Tarlac kaya hindi na nakapagtataka na pinilit ni Kris na ikampanya dito sa VP Leni. Tumawag ng pansin ng mga netizen ang sinabi ni Kris na tila pasaring sa isang tao na walang utang na loob. Wala mang sinasabing pangalan si Kris ay maraming kumbinsido na patama ito kay Mayor Cristy Angeles ng Tarlac na UniTeam o BBM supporter.
Pablind item pa na pasaring ni Kris sa kanyang speech sa grand rally,
"Di niyo kami pinabayaan. Well atleast kayo except for you - you-know-who. Pasensyan na ha . . . Thank you. Sinabi sa - sorry po ah. Sorry sinabihanakong huwadg makipag-away pero nabi-bwisit po talaga ako. I'm sorry na hindi ako yung mabait na Aquino. Ako lang po ang ganito sa pamilya na sasabihin ang totoo dahil nakaka-bwisit talaga yung walang utang ng loob. Okay pero dedma na. Dedma na 'don. Let's focus sa importante."
Hindi man pinangalanan ni Kris ang nasabing tao ay tila obvious na kung sino ang pinatatamaan nito. Inalmahan naman ito ng anak ni Mayor Angeles na si Anvi Angeles at matapang nitong tinag at tinanong si Kris sa Facebook.
Ms. @krisaquino , we would like to know kung ano po ang “utang na loob” ng family namin na binabanggit niyo?
Since the beginning, we had high respects for your family. Sa amin pong pagkaka-alam, never did we ask for any help or favor from your family. Ilang beses po humingi ng tulong si Ma’am Cory sa family namin since PNoy ran for Congress and Senate. And when he ran for president, my mom was tasked to be the provincial convenor under the People Power Volunteers for Reform here in the province of Tarlac. Wala po kaming hiningi ng kahit anong tulong o pabor (pinansyal man o trabaho) na kapalit sa pamilya ninyo. Ito po ay sa kadahilanang mataas ang aming respeto sa inyong ina. I was a silent witness to the sacrifices, kapaguran at malasakit ng parents po namin sa family niyo po.But for you to maliciously accuse my mom in public of “walang utang na loob”, I cannot let your lies & intrigues malign my mom just for the political mileage of your candidate. We owe it to Boss Danding and Cong. Henry Cojuangco when they encouraged my mom to run for Board Member and then city mayor under the NPC. Apparently, hindi po niyo alam ang nangyayare dito sa Tarlac City.For me, this is not the style of a Grand Rally Campaign for a presidential candidate that a national figure like you to be personally attacking a small city mayor like my mom. Kahit ganito Lang po kami kaliit na tao, marami pa rin naman po ang naniniwala, nagtitiwala, at rumerespeto sa aking ina lalo na po sakanyang karakter at kakayahan. Siguro po naturuan din kayo ng tamang pag-uugali ng magulang po ninyo. We hope and pray that whatever hatred, anger, and jealousy inside your heart and mind will be replaced with kindness, love, and patience. Praying for God’s enlightenment.
Si Anvi Angeles ay isang Leni supporter samantalang ang mga mgaulang nito ay BBM supporters. Pero wala naman daw itong problema sa kanilang pamilya dahil ginagalang nila ang desisyon ng bawat isa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!