Nahaharap ngayon sa isang kontrobersya ang gwapo at magaling aktor na si Kit Thompson. Ating lubos na kilalanin kung sino nga ba si Kit at ano ang mga detalye sa kanyang kinakaharap na kontrobersya ngayon.
Si Kieth Esteban Thompson o mas kilala bilan Kit Thompson ay isang Fipino actor, model at television host na nagmula sa Angeles, Pampanga. Nagsimula siyang makilala nang pumasok siya bilang isang housemate sa PBB Teen Edition 4 noong 2012 na binansagan bilang Kit Tangkad ng Pampanga. Dahil sa taglay na kagwapuhan hindi maipagkakailang isa siya sa mga teenage crush ng mga manonood ng PBB. Habang nasa loob ng 'Bahay ni Kuya' ay hindi naiwasang malink ni Kit sa kanyang kapwa housemate tulad na lamang kina Myrtle Sarrosa at Karen Reyes. Mas malapit ang loob Kit kay Karen at kinakiligan ang kanilang teenage tambalan na tinatawag ng kanilang fans bilang 'KitRen'. Matapos lumabas sa bahay ni Kuya ay napasama agad si Kit sa seryeng 'Kahit Puso'y Masugatan' noong 2012 at lumabas sa isang episode ng 'Maalala Mo Kaya'. Bago pa man ang acting career ni Kit sa ABSCBN ay lumabas na rin ito bilang supporting cast sa drama series ng GMA 7 na 'Reel Love presents: Tween Hearts' noong 2010 kung saan nakasama niya ang ilang kapuso stars tulad nina Barbie Forteza, Bea Binene at Jake Vargaz. Noong 2014 ay nanalo ng isang parangal si Kit mula sa Sine Malaya Independent Film Festival sa Sine Malayan entry na '#y'. Sa parehong taon ay nakasama siya sa seryeng 'Forevermore' na pinagbidahan ng celebrity couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Ilang proyekto rin ang tinanggap ni Kit bago biglaang nawala sa showbiz.
Noong February 2014 naging mainit na usapan ang tungkol sa kabataang nahuli ng mga otoridad na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ayon sa statement na inilabas ng PDEA, apat na minors noong February 23, 2014 , ikalawang araw ng 7107 International Music Festival. Naging matunog ang pangalan ni Kit Thompson na sinasabing isa sa mga kabataang naaresto dahil sa pagsasalarawan na 'the 17 year old starred in the hit TV series, "Galema" and a former contestant of a popular reality TV show'. Matatandaang naging bahagi si Kit si ng 'Galema' at naging housemate din siya ng PBB. Sa panayam ng aktor noong July 9, 2014 natanong si Kit sa reaksyon niya sa lumabas ang report na nagsasabing nahuli di umano siya na gumagamit ng pinagbabawal na gamot. Agad sumagot si Kit na walang kumpirmasyon ang lumabas na balita at hindi umano siya apektado ngunit makakatulong daw ang nangyaring iyon upang maging mas malakas siya sa darating na panahon. Inamin naman ni Kit na dumalo siya sa nasabing music festival.
Sa pagbalik bansa ni Kit noong 2018 nabalik tanong sa kanya ng press ang tungkol sa kanasangkutang intriga ngunit ayon sa aktor, ayaw na niya itong mapag-usapan. Sa pagalis ng bansa ay nakabase ang aktor sa Los Angeles, California. Naging modelo si Kit sa iba't ibang mga magazines and ads. Dahil sa kanyang matikas na katawan at hitsura hindi katakatakang umunlad ang career ni Kit.
Noong 2018 muling nagparamdam ang aktor at nakasama sa Blockbuster movie na 'The How's of Us' na pinagbidahan ng celebrity couple na Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ayon sa aktor, tatlong taon din daw siyang namalagi sa America kasama ang kanyang pamilya at sa pamamalagi raw niya doon ay nag-aral siya ng acting skills. Sa kabila ng kanyang biglaang pagkawala sa showbiz ay naging mainit ang pagtanggap sa kanya. Nagsunod sunod ang mga proyektong ibinigay sa kanya at sa kanyang pagbabalik television at pelikula, ibang Kit ang nakita ng mga manonood. Malaki ang iniunlad na husay sa pag-arte ng aktor.
Hindi lang husay sa pag-arte ang ipinakita ni Kit sa pagbabalik niya sa harap ng kamera. Katunayang isa si Kit sa mga kasalukuyang male stars na walang takot maghubad at gumagawa ng mapangahas na eksena. Aminado din si Kit na payag siyang magpakita sa kanyang pagkalalaki sa mga susunod niyang pelikula kung talagang kinakailangan dahil bahagi lamang daw ito sa kanyang trabaho.
August 2019 nang iupload ng isang netizen ang video ni Kit bilang meme. Mabilis na nagviral ang nasabiing lumang video ni Kit at ginawan pa ng meme ng iba. Sa video makikitang umiiyak ang binatilyong si Kit habang pinipigalan ang sariling magmura dahil sa matinding galit. Nangyari ang video sa open forum ng mga housemates matapos nilang magkainitan. Ginawa na lamang ni Kit na katatawanan ang lumang video na nagviral sa tweeter bilang meme.
Sa tagumpay ng career ni Kit sa larangan ng showbiz hindi maitatanggi na marami ang nagpapantasya sa aktor at ilan sa mga nakatrabaho na rin niya ang nalink sa kanya. Noong November 18, 2021 nagpahiuwatig si Kit tungkol sa relasyon nila ni Ana Jalandoni. Nagpost si Ana sa kanyang Instagram account ng sexy picture niya at nagkomento roon ang aktor ng "baby ko ba yan?" sumagot naman si Ana na "love love".
Si Ana Jalandoni ay isang showbiz newbie na unang napansin bilang isa sa mga Cardo's Angel sa teleseryeng 'Ang Probinsyano' noong 2019. Ipinakilala si Ana bilang isa sa mga aspiring sexy star at napanood sa VivaMax movie na 'Paglaki ko Gusto kong Maging Pornstar' noong January 2021. Pero nagparelease muna sa kanyang kontrata sa Viva dahil hindi ang pagpapasexy sa pelikula ang career na gusto niya. Noong November 2021 inanunsyo ni Ana na movie producer na siya sa ilalim ng itinayong independent film company na Aflix Production. Bukod sa pagiging bida siya ang financier ng kanyang erotic thriller movie na 'Manipula' kung saan nakatambal niya si Aljur Abrenica.
December 15, 2021 isinapubliko ni Kit na girlfriend niya ang sexy actress na si Ana. Maituturing na instagram official na ang dalawa matapos ipost ni Kit ang malajowa reveal nila ni Ana. Yakap ni Kit si Ana habang sila ay nagdate sa isang restaurant. Matapos ang pag-amin nina Kit at Ana ay naging bukas sa publiko ang dalawa sa pagbabahagi ng kanilang sweet hot photos sa kanilang social media accounts bilang pagpapakita ng pagmamahal sa isa't isa.
Matapos ang tatlong buwan matapos umamin sina Kit at Ana sa kanilang relasyon ay lumabas ang hindi magandang balita noong umaga ng March 18, 2022 na siyang ikinagulat ng lahat. Ayon sa mga ulat 6:29 A.M nang makatanggap ng tawag ang 911 tungkol sa isang babaeng sugatan at humihingi ng tulong pero hindi pa sila makabibigay ng detalye dahil hindi pa tapos ang imbistigasyon. Mabilis na rumisponde ang Tagaytay Police kaya napagalamang si Ana ang biktima sa insidenteng nangyari sa isang hotel sa Tagaytay City. Isinugod si Ana sa Tagaytay medical center para gamutin samantalang dinala si Kit sa Tagaytay Police Station para imbistigahan. Bago nailigtas si Ana nagawa pa nitong humingi ng tulong sa mga kaibigan at pinadalhan niya ng picture na magpapatunay na sinaktan siya. Makikita sa picture ang mga sugat at pasa niya sa mukha. Bilin din ng aktres na huwag siyng tawagan sa kanyang cellphone baka raw magising si Kit.
Naglabas ng opisyal na pahayag ang Cornerstone Management ang talent agency na naghahandle kay Kit tungkol sa kinasangkutang intriga ni Kit. Ayon sa Cornerstone Management, hindi pa sila pwedeng magbigay nang komento tungkol sa insidente dahil wala pa silang pormal na report na natanggap tungkol dito. Pero hinikayat nila ang publiko na maging maingat sa kanilang pananaw ukol sa insidenteng mabilis na kumalat online. Ito ang pormal sa statement na ipinahayag ng Cornerstone sa media,
"We have just been informed that one of our artists, Mr. Kit Thompson, was allegedly involved in an incident that transpired last night in Tagaytay City, Cavite. As we have yet to receive a formal report regarding the alleged incident, we could not give a response nor comment on the matter. However, we request the public to be mindful of casting judgment based on unfounded reports being circulated online."
Noong March 17, 2022 isang araw bago ang insidente ay nagpost pa si Ana sa kanyang IG ng solong larawan niya na may caption na 'hello' nagkomento pa rito si Kit na nagsasabing 'see you later'.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!