Angelica Panganiban kumpirmadong nagdadalang tao!!

Martes, Marso 22, 2022

/ by Lovely



Sa wakas ay kumpirmado na buntis na si Angelica Panganiban. Noong mga nakaraang linggo ay laman ng mga blind items at mga usap usapan sa showbiz industry ang pagbubuntis ng aktres. Ito ang magiging unang baby ni Angelica sa boyfriend nitong si Greg Homan.



Masaya siya at maging ang mga kaibigan niya sa industriya gaya na lamang kina Alora Sasam. Sa video na ibinahagi sa social media makikita ang tuwa ni Angelica at maluha luha pa ito. Ayon sa post ni Angelica,

Ay! Na post!! 🤰

Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako. 🥲🥲🥲

Opo, may matres ako mga baklaaah! 😬 ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu 😭 may pamilya na ko 😅 kaiyaq pramis 😂

Napakomento naman sa post ang ilang mga sikat na celebrity gaya na lamang kina Camille Prats, Marian Rivera, Janine Gutierrez,  Sarah Lahbati, Bianca Gonzales, Maxine Magalona at marami pang iba.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo