Sa pagbabalik ng nag-iisang diyosa na si Anne Curtis sa Pilipinas ay magkakaroon siya ng isang comeback concert sa April 30.
Ang pangako ni Anne sa madlang people, ay ang kanyang pagbabalik sa noontime show na 'It's Showtime'.
Sa kanyang naging recent photoshoot and interview sa Lifestyle Asia Magazine, ibinahagi doon ni Anne Curtis ang kanyang concert na magaganap sa April 30. Ibinahagi din ni Anne curtis ang naging experience niya sa kanyang pananatili sa Australia. Ayon kay Anne,
"I've had a lot of time to really concentrate on being a mother and spending time with my family."
Madami nga din ang nag-aantay sa muling pagbabalik ng nag-iisang Anne Curtis sa noontime show na 'It's Showtime'.
Maraming mga madlang people ang namimiss talagang mapanood si Anne sa nasabing show. Tiyak nga daw na mas tataas ang rating ng show dahil alam naman natin na isa si Anne sa original host ng 'It's Showtime'.
Ang latest photo ni Anne sa Lifestyle Asia Magazine ay pinusoan ng mga netizens dahil wala talagang kupas sa pagiging Diyosa si Anne. Kahit na may anak na ito ay mas lalong nag-uumapaw ang kagandahan ng nag-iisang Anne Curtis.
Watch Full Video Here:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!