Tila nadagdagan ang hint ng isang kapamilya star na ito sa kanyang pagbabalik telebisyon matapos ang kanyang pagkawala sa showbiz ng matagal dahil sa personal na naganap sa kanyang buhay. Ang actress host na ito ay kilala sa kanyang masayahing personality.
Latest ngayon ang pagkikitang naganap nina Anne Curtis at Kapamilya It's Showtime Family nitong mga nakaraang araw. Ito ay isang dinner reunion kung saan makikita sa isang litratong ibinahagi ng isang host ng It's Showtime na si Teddy Corpuz sa kanyang IG account noong byernes. Sa nasabing picture makikitang masaya ang It's Showtime family na kasama si Anne Curtis na may simpleng caption,
Sarap ng family dinner and great seeing you again Annie!
Ang mga nakasama ni Anne Curtis ay sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Kim Chui, Jugs Jugueta, Amy Perez, Ryan Bang, Jacky Gonzaga at Ion Perez. Present din sa nasabing reunion ang ABSCBN Chief Operating Officer for Broadcast na si Cory Vidanes kasama ang program producer na si Leilani Perez, Director Jhon Moll, Business Unit Head Reily Santiago at Louie Andrada. Absent naman sa nasabing event si Ogie Alcasid na kasalukuyang nasa US.
Bukod kay Teddy Corpuz ay nagpost din si Anne Curtis ng kanyang larawan kasama ang kanyang Showtime family. Sa caption sinabi niyang miss my showtime fam.
Bagama't nagpunta ang ABSCBN bosses ay wala namang clue na inilabas kung ang gathering ay kaugnay sa much awaited comeback sa Showtime ni Anne Curtis. Kamakailan ay naglabas ng teaser si Anne Curtis sa pamamagitan ng isang maikling video clip sinundan ito ng kumpirmasyon sa kanyang unang pasabog na bahagi ng kanyang pagbabalik showbiz. Sa kanyang IG account ay may ibinahagi si Anne na larawan kung saan ito ay tila poster ng kanyang upcoming concert. Ayon sa caption nito,
A very special docu-c%#^*rt for everyone I LUV! Join me as I share bits and pieces of my life in the past two years. Plus! I just might have some surprise fierce, fun and fab performances! G? LuvANNE na LuvANNE na! I’m vack mga vaaaacks!!! Luv-Anne!❣️
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!