Naging viral ngayon sa social media ang pag-amin ng batikan at sikat na artista, na di umano'y nagbenta ng popcorn sa palengke upang pampamasahe papuntang ABS CBN network.
Binalikan ni Jodi Sta. Maria ang kanyang buhay noon bago siya magsimula sa showbiz. Pati na ang naging buhay niya nang pasukin niya ang mundong kinabibilangan niya na ngayon.
Sa panayam ni Jodi Sta. Maria, ibinahagi nito na bagama't mahiyain siya ay hilig niyang magperform sa harap ng maraming tao. Dahilan para mapansin siya ng isang talent scout. Sabi ni Jodi sa interview niya kay Karen Davila.
"Typical school girl na mahiyain, pero sobrang love ko ang pagpeperform and then pagdating ko ng highschool we we're just having lunch me and my friends, may lumapit sa amin na talent scout nagbigay siya ng card, mag-audition daw kami."
Simula raw noon naging suki na si Jodi ng mga audition sa commercials.
"Pumunta kami for commercials, so pumunta kami ng pumunta pero wala talaga kaming project na nakukuha. Kasi I think na napaka-specific ng hinahanap nila for a commercial, hindi ba, and then I said ok na ako, atleast na try ko, baka hindi ako para diyan", ani Jodi.
Bagama't hindi pinalad sa mga commercials sinubukan niya ang kanyang swerte sa pagiging artista nang mag-audition bilang bahagi ng Star Magic.
"And then tumawag na naman siya, sabi niya na may pa-audition ang ABS CBN looking for people to audition for the new batch of Star Circle 7."
"I'm like sige try ko, nagpunta kami doon. Nagbus kami, pagdating doon ito pala istura niya", ani Jodi.
"Pero noong time na 'yon kung di man ako matanggap ay ok lang. Ang gusto ko lang ay makakita man lang ako ng artista." dagdag pa ni Jodi.
Umaabot lamang ng 1500 pesos ang kanyang talent fee noong nagsisimula pa lamang siya bilang artista.
Samantala ay ibinahagi din ni judy ang kanyang buhay bago pa niya pasukin ang showbiz. Sinabing nagbebenta siya ng popcorn sa kanyang paaralan noong bata pa siya.
"We were raised single handed lead by my mom pero may lola has always there na naging supportive kay mama, so it was just me, my kuya, my lola and my mom", ani Jodi.
"Tapos sa pagiging raketera sa school nagbebenta kami ng popcorn kasi doon namin kinukuha ang pambaon namin. So 4:00 a.m gigising na si mama gagawa siya ng parang butter na brown sugar tapos my candle para pang close ng pastik at ibebenta namin per pack ng 20 pesos yan. Natatawang ikwenento naman ni Jodi ang kanyang naging karanasan ng ipahinto ng paaralan ang negosyo nila ng kanyang ina. Matapos umanong mapansin na nagiging kakumpitensya na sila nito.
Samantala walang pinapalampas na holiday ang celebrity mom na si Jodi para sa kanyang nag-iisang anak na si Thirdy. Nagpost ang celebrity mom sa kanyang social media account na nag-eenjoy ang mag-ina sa isang adventure. Matapang nilang hinarap ang rapids, habang sinubukan nila ang white water river tubing sa Antique Province. Sa kanyang IG post na ngayo'y maroon ng 56 thousands likes ang sabi nito.
"Magandang umaga Kruhay Antique."
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na malapit ang puso ng celebrity mom kay mother nature. Mahilig talaga itong mag-adventure. Base sa kanyang mga post, ilan sa mga exciting adventures ay nasubukan niya na ding mag-off roading sa Rizal Province, scuba diving sa Boracay, zip lining sa Bataan.
Si Jodi Sta. Maria ay 39 taong gulang na ngayon. Alam ng lahat na may proyektong ginagawa si Jodi na 'The Broken Marriage Vow'. Kasama niya rito sina Zanjoe Marudo at Sue Ramirez.
Watch Full Video Here:
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!