Usap-usapan ng mga marites ngayon na si Barbie Imperial na tila nanahimik na naman matapos ang break up nila ni Diego Loyzaga. Marami ang nakapansin na parang nawawala na naman sa eksena ang dalawa matapos ang hiwalayan nila. Kahit hindi naman talaga sobrang nagtagal ang kanilang relasyon, maraming nagsasabing higit na nasaktan si Barbie ang paghihiwalay nila ni Diego Loyzaga dahil mas malalim itong magmahal. Kaya naman nang maghiwalay ang dalawa si Barbie umano ang nakaramdam na parang iniwan sa ere ng taong pinakamamahal. Sa totoo lang nawala siya sa ere ng matagal tagal ding panahon. Hindi siya nakikita umano sa mga gimikan na dati nilang pinupuntahan ni Diego at ng kanyang mga barkada. Marami ang nagsabi na panay daw ang mukmok niya kaya medyo nadagdagan ang kanyang timbang lalo na sa bandang puson. Ang haka haka naman ng mga marites ngayon ay meron na umano siyang dinadala. Mostly naman na lumaki lang ang tummy ng female star ay iisiping buntis na.
Ayon naman sa isang netizen nakita at nakachikahan niya umano kamakailan lang si Barbie Imperial sa isang beach resort sa Batangas. Nagulat daw siya nang makita ang dalaga na nakasuot ng orange swimsuit suit bikini na hapit na hapit sa kanyang katawan.
"Naku po! Hindi po 'yan totoo. Busy lang po ako sa aking vlog. Ngayon ng po ay nandito ako sa Batangas upang surpresahin kayo sa aking bagong baby na pinagkakaabalahan ko ngayon. Pero hindi ko muna sasabihin basta ito ay pang forever na. Wala na itong iwanan," sabi ni Barbie.
Ang promise niya sa susunod na linggo ay sasabihin na niya sa kanyang mga followers ang bago niyang baby. Pinagdiinan din niya na dahil dito ay umaasa siya na wala na talagang iwanan.
Samantala kinilig naman ang mga netizens ng magpalitan ng messages sina Barbie at Diego sa Instagram matapos ipakita ng aktres ang kanyang bonggang red hair. Nagcomment si Diego Loyzaga ng, poison Ivy? Nagreply naman si Barbie Imperial ng 'ako nga pala yung sinayang mo hahaha'. Nagexpect naman ang mga supporters nila ng comeback. Pero kung ang pagbabasehan ay ang panayam noon ni Barbie ay parang malabo na itong mangyari. Ayon kasi sa dating panayam ni Barbie na wala pa umano siyang ex na binalikan at ayaw na niyang balikan kasi tapos na.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!