Billy Crawford, nagsalita na tungkol sa mga isyung bumabalot sa kanya tungkol sa 'LOL'

Lunes, Marso 14, 2022

/ by Lovely


Maraming isyu ang mga netizens kay Billy Crawford. Ito umano ang dahilan sa mga isyu sa 'Lunch out Loud'. Ayon naman kay Billy sa isang panayam noong March 5, sabado ng gabi sa isang cafe' sa QC,

"Hindi ko alam kung ano ang meron ako, na kung bakit ako pinag-iinitan."

Pinag-iinitan ng mga bashers at haters si Billy at itinuturo na ito ang dahilan kung bakit matitigil o masisibak na ang noontime show ng TV5 na 'Lunch Out Loud'.

"Umalis ako ng 1 week pagbalik ko dito, ayon ang dami ng sinasbi tungkol sa akin. Mawawala na raw ang ganito, ganiyan. Si Ogie Diaz ang unang tumawag sa akin. Nasa Paris, France ako. Katatapos lang ng screetest ko for something there. Tapos si Ogie nakatatlong miscall. Tinawagan ko sabi niya, boy totoo ba ito? Si Ogie close kami, kaibigan ko noong sinabi niya sakin, totoo ba ito na magsasara na ang 'LOL' ganyan. Sinabi ko, ngayon ko lang narinig ito dahil ang schedule ko pagkatapos sa Dubai, February 27 balik ako sa Pilipinas, February 28 may taping ako ng 'LOL' hindi naman nagbabago sabi ko pa Mama Ogz siguro naman malalaman ng tao kung magsasara na kami. Kasi ibig sabihin niyan mawawalan na ako ng trabaho," dagdag pa ni Billy.

Sa pananaw ni Billy, given na ang pangiintriga sa isang bagong TV program na matitigil ito as soon as possible.



"Ako po ay nag-umpisa sa industriya at 4 years old. i'm turning 40 on May 16. Kung ano ang aking nakita , narinig from other shows before whether in 'Eat Bulaga, whether in 'It's Showtime', whether its 'MTV', whether it's 'Lunch Date' pag may nagla-launch na isang show laging may lalabas, pasara na iyan, walang kwenta ang programang iyan, hindi maganda iyan, three months lang iyan. Paglumampas ng three months, naku po six months lang iyan. Pagkalipas ng six months, hanggang one year lang iyan. It's a repetitive tactic na ginagawa ng mga kalaban. If ever, kami from the start, buong puso namin itong ginagawa hindi para makipag compete. Thank God for bright light, thank God for 'Lunch Out Loud'. Dahil sa awa ng Diyos, aminado naman din kami na. There are times na nagstruggle kami sa ratings pero may times na nagugulat kami dahil pumapalo. Yesterday was 2.2, thursday was 2.2 so dahil pumapalo ang 'LOL' sa ratings rumaratsada rin ang mga patalastas ng programa. When we started, meron kaming 90 minutes sa 190 minutes of show. Anything excess nasa commercials sa advertisement," salaysay ni Billy.

"Ngayon, minsan 70 minutes lang ang takbo namin dahil puno'm puno na ng mga ads which sa akin wala naman akong kinalaman diyan because that's sales and bright light in TV5. Pero sa akin, I think its a bit unfair para sabihin ng tao na magsasara iyan," sabi ni Billy Crawford.


Watch Full Video Here:

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo