Kahit ilang beses na napabalita na aatras o magwiwithdraw sa kanyang kandidatura para maging susunod na pangulo ng bansa. Buo pa rin ang pasya ni Sen. Manny Pacquaio na ituloy ang kanyang kandidatura sa darating na 2022 elections. Iginiit din niya na hindi siya huminhinto o tinatamad sa pangangampanya sa kabila ng mga balitang aatras na diumano siya at susuporta na lamang sa ibang presendential aspirants. Narito ang pahayag ni Sen. Mannny Pacquiao tungkol sa mga balibalitang aatras na siya sa kanyang kandidatura.
"Ako tinatamad? Hindi, marami lang akong inaasikaso kasi importante. Kasi nangangampanya tapos hindi ka.. iyong... Ang dito kasi sa pulitika may natutunan ako dito. Kailangan yung foundation ng machinery mo sa ilalim malakas, matatag. Kasi kahit nangangampanya ka, umiikot ka pero wala namang foundation 'yung machinery mo pagdating ng eleksyon.. Hindi mo masisigurado kung ang tao.. Hindi naman tayo natutulog sa pansitan eh."
Matatandaang sa mga lumalabas na survey ay isa si Sen. Manny Pacquaio sa mga nangungulilat. Samantala malakas pa rin ang loob ni Sen. Manny Pacquiao na sa huli ay siya pa rin ang pipiliin o ang iboboto ng ating mga kababayan lalo na umano ang mga mahihirap.
Sinabi pa nito na mas makakabuti kung ibang presidential candidate na lamang ang umatras upang suportahan siya. Naniniwala si Sen. Manny Pacquiao na mas karapat dapat na ipaglaban ang kanyang plataporma na naglalayong iahon ang ating bansa mula sa kahirapan.
Samantala balak umano ni Sen. Manny Pacquiao na sumulat sa COMELEC kung maari ba siyang magbigay ng tulong sa mga taong nagsilikas dahil sa muling pag-aalboroto ng Bulkang Taal. Nais diumano niyang magbigay ng mga pagkain at tubig na hindi naman daw labag sa guidelines ng COMELEC ngayong panahon ng pangangampanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!